Ruru, may pinaghahandaan

Kamakailan ay dumalo si Ruru Madrid sa Pistang Pilipino event na ginanap sa Japan. Ramdam na ramdam umano ng Kapuso actor ang mainit na pagtanggap ng mga kababayan nating nasa Land of the Rising Sun.
“Sobrang nag-enjoy ako kasi mararamdaman mo talaga ‘yung pagkasabik nila sa mga kapwa nila Filipino. Ako ang goal ko naman lagi… madala ‘yung Pilipinas sa bansa nila,” bungad ni Ruru sa 24 Oras.
Samantala, proud na proud ang binata ngayon para sa kapatid na si Rere Madrid. Napapanood na rin kasi ang aktres sa Encantadia Chronicles: Sang’gre kung saan ay isa rin sa mga bida ang kasintahang si Bianca Umali.
“Napa-proud ako napanood ko ‘yung eksena nila, parehas silang mahusay. Nagulat ako actually kay Rere. I didn’t expect na gano’n kalalim ‘yung talento niya pagdating sa larangan ng pag-arte,” paglalahad ng aktor.
Puspusan na rin ang ginagawang paghahanda ngayon ni Ruru para sa kanyang bagong proyekto. “Para at least once na magsimula na ‘yung panibagong proyektong gagawin natin, nakahanda na tayo. So I’ve been to Filipino martial arts,” pagbabahagi ng binata.
Dumalo ang Kapuso actor sa ginanap na graduation ng The Big Idea Drama Concept Development workshop ng GMA Public Affairs. Nagbahagi ang binata sa naturang event ng kanyang mga karanasan at mga natutunan sa pagiging isang aktor sa loob ng mahigit isang dekada.
“The good thing with Public Affairs, talagang hindi sila tumitigil matuto at maghanap ng mga bagong konsepto at istroya na pwede nating maikwento sa mga tao,” pagtatapos ng aktor.
Glaiza at mister, magre-relax sa Pasko
Sa Baler, Quezon nakatakdang magdiwang ng Kapaskuhan si Glaiza de Castro ngayong taon. Ilang taon nang sa Ireland nagpa-Pasko ang aktres kasama ang asawang si David Rainey. Sa kauna-unahang pagkakataon ay mararanasang mag-Pasko sa Pinas ng mister ni Glaiza.
“Sabi ko ko, ‘Oh! This time sa amin naman.’ He’s been looking forward na makapunta sa Baler, makapag-relax sa beach. Actually, ako din, it’s been a while,” nakangiting pahayag ni Glaiza.
Kamakailan ay nagbigay-kasiyahan ang mag-asawa sa ilang chronically-ill children ng Kythe Foundation. Talagang nais daw nina Glaiza at David na makapagbigay ng tulong, inspirasyon at pag-asa para sa mga batang may sakit.
“We’ve been actually chatting about this, na we wanted to do something, we want to pay forward this year. So masaya ako na makasama siya finally. Siya rin in Ireland, in the UK. Gumagawa din siya ng mga ganitong outreach program,” kwento ng Kapuso actress. (Reports from JCC)
- Latest





















