Will at Dustin, magkaiba ang epek kay Bianca

Mapapanood na ngayong Kapaskuhan ang Love You So Bad na pinagbibidahan nina Bianca de Vera, Dustin Yu at Will Ashley. Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2025. Aming natanong ang aktres sa Fast Talk with Boy Abunda kung posible bang mapaibig sa dalawang lalaki sa tunay na buhay. “I think so, Tito Boy. As much as parang gusto kong sabihin na hindi, I don’t think hindi ko mapigilan ‘yung puso mo kapag talagang nahihirapan na siya at kung torn na talaga siya. At kung talagang hindi ka makatulog sa gabi at dalawa ‘yung iniisip mo because you have to choose. I mean you don’t have to choose. But you want to choose between the two men,” makahulugang pahayag ni Bianca.
Para sa Kapamilya actress ay talagang magkaiba ang naidudulot nina Dustin at Will sa kanyang personal na buhay.
“Dustin to me, I think is my adrenaline. I think Dustin brings out the best in me that I’ve never discovered before. He (Will) keeps me calm talaga, same lang na he really keeps me steady. Siguro ‘yung calmness ko. ‘Yung peace in the quietness and the moments that we shared. Because with me I feel like as Bianca ang dami-daming nangyayari sa life and ang daldal ko. But when I spend time with him, I see na ‘Okay, that’s also peaceful pala kapag tahimik lang,’” pagbabahagi ng dalaga.
Angelica, iba na ang mundo
Dalawang taon nang kasal sina Angelica Panganiban at Gregg Homan. Tatlong taong gulang na ang anak ng mag-asawa na si Amila Sabine. Ayon sa aktres ay talagang malaki ang pagkakaiba ng kanyang relasyon noon sa mga kapwa-artista.
“Ang laki nang tinahimik ng buhay ko. Pakiramdam ko para akong na-recalibrate ngayon eh. Nag-iba ‘yung mundo ko, naa-appreciate ko ngayon ‘yung life. Noon kasi maingay eh, magulo, ang daming ganap, ang daming problema. Parang laging may contest,” nakangiting pahayag ni Angelica sa YouTube channel ni Karen Davila.
Masayang binalikan ng aktres ang mga naging relasyon noon kina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz. Hindi raw talaga nakita ni Angelica na maikakasal sa mga dating nobyo.
“With Derek, kahit matagal na kami, I didn’t see him na pupunta talaga doon, na parang may planong mag-settle, wala. Siguro kasi every now and then, may problema eh. Like ‘may issue na naman, may away na naman.’ With John Lloyd, I think clear sa relationship namin na ayaw niyang magpakasal. And then ako din naman. ‘Pag nalulungkot ako, hindi naman palaging masaya ‘yung relationship namin. ‘Pag nalulungkot ako parang, ‘Ano pa bang ginagawa ko dito?’ Hindi naman din ako pakakasalan eh ‘yon ang gusto ko. May ibang babae kasi na gusto rin ‘yon ‘di ba, na hindi naman din magpakasal, ako gusto ko eh,” pagbabahagi ng dating child star.
(Reports from JCC)
- Latest



















