^

PSN Showbiz

Mon, walang pahinga!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mon, walang pahinga!
Mon Confiado

Kung meron mang isang artista na parang walang pahinga at mapapanood sa lahat halos ng pelikula o teleserye, ang aktor ‘yun na si Mon Confiado.

So saan kaya niya ini-invest lahat ng mga kinikita niya? May mga negosyo raw sila ng kanyang sister na si Kai. “Meron kaming backpacker hotel sa Cebu, ‘yung Naps X Adventures. Meron kaming resort sa Rizal, ‘yung Kaia. Pangalan ‘yun ng sister ko eh, si Kai. Kasi siya ‘yung nagma-manage. Of course, dati ‘yung comedy bar namin na sinara na namin ‘yun.”

Sa tinutukoy niyang comedy bar nag-umpisa ang ibang mga sumikat na stand-up comedians pero marami na ring pumanaw.  “Nagsara na nung nag-pandemic at saka kumbaga pigang-piga na. Twenty years na kasi ‘yun eh tapos nangawala na ‘yung mga stand-up comedian na galing sa amin, like si Chocolate. Marami nang nawala. I guess, mahigit 10 ang namatay sa produkto ng 22nd Street. Well, hindi naman galing sa akin kundi sa father ko. May mga apartments kami sa Sampaloc,” sabi niya pa sa amin pagkatapos ng screening and talkback ng Salvageland bago ito nag-umpisang ipalabas sa mga sinehan noong Miyerkules.

So, doon mo ini-invest lahat ng earnings mo? “Oo pero syempre may ups and downs.  Lalo na ‘pag nagbi-business, sabi ko nga sinara ‘yung comedy bar. Syempre, ‘pag sinara mo ‘yan may mga labas ng puhunan. Tapos minsan successful, minsan hindi. Nagtayo rin kami ng steakhouse sa Cebu. Hindi masyadong successful. May spa ri kami ru’n.”

Pero more than the business, mas pelikula ang focus niya.

Kaya talagang ang sister niya raw ang namamahala pero medyo nahihirapan aniya kaya nagkasakit na ito sa puso.

Kasi parang idol siya siya sa industriya na not necessarily bida, but always nama-manage talaga niya ‘yung career niya?

“Oo, ganun naman talaga. Parang iyong ‘yung kagandahan ng character actor, hindi nagbibida. ‘Di ba kakatapos lang ng Quezon, ito na naman ‘yung Salvageland.”

Gumanap siyang Emilio Aguinaldo sa pelikulang Que­zon, anong masasabi niya na naging kontrobersiyal ito?

“I guess wala naman akong masasabi riyan. Naiintindihan ko kasi ‘yung side ng Quezon, ‘yung mga descendants niya. Pero naiintindihan ko rin naman ‘yung filmmaking.

“Ibig kong sabihin, kapag gumagawa ka naman ng pelikula, laging point of view ng director, kung anong gusto niyang ipakita. Sabi nga ng mga iba, eh kung gusto ninyo purihin si Quezon,  ‘di mag-produce rin kayo. Parang ganun ‘yun eh. Laging may two versions naman ang ating mga bayani, ‘di ba. Even kay (Ferdinand) Marcos,” komento pa ng actor na ibang level ang pagiging kontrabida sa Salvageland starring Richard Gomez and Elijah Canlas and directed by Lino Cayetano for Rein Entertainment and Viva Films.

MON CONFIADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with