Lexi at Gil, pangit ang hiwalayan?

Isang reliable source ang ang nagkumpirma sa amin ng hiwalayan nina ng Kapuso stars na sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva.
Kaloka ang reaksyon ng isang kaibigan. Pati ba naman daw sila nakikigulo pa sa mga naghihiwalay!
Nakapapanghinayang naman kasi ang relasyon nila na matagal-tagal din at ang sweet pa nilang dalawa. At ang dami ngang kabadingang nagnanasa kay Gil ang naiinis kay Lexi.
Napansin na namin ang mga huling pino-post ni Gil sa kanyang X account at tama ngang may kinalaman ito sa kanila ni Lexi.
Nakakaintriga lang ang sinasabi niyang maglalapag daw siya ng resibo. At meron pa siyang binabanggit na betrayal.
Pagdating naman sa panig ni Lexi ay ayaw muna niyang magsalita sa ngayon.
Sa rami ng mga isyung hiwalayan, baka hindi pa muna ito pagtuunan ng pansin.
Inaabangan pa rin kung magsasalita na ba si Derek Ramsay tungkol sa kanila ni Ellen Adarna.
Nag-empake na si Ellen at iniwan na ang bahay nila ni Derek.
Ang last na nabalitaan namin kay Derek ay lumipad naman siya patungong Jakarta. May sinimulan pala itong negosyo na hindi naman sinabi sa amin kung ano.
Gusto na lang daw ng aktor na mag-focus muna sa trabaho. Kaya mas ito ang hinaharap niya kesa sa sagutin ang mainit na isyu nila ng estranged wife.
Eric, ‘di tanggap na papalit kay Dolphy
Ang saya at nag-enjoy ang kabadingan sa pelikulang Jackstone 5 ng Apex Creative Production, Inc.
Sa December 3 pa ang showing nito, pero nagkaroon na ng premiere night noong Martes na ginanap sa Cinema 6 ng Trinoma
Limang matatandang bading ang bida rito na ginampanan nina Eric Quizon, Arnell Ignacio, Gardo Versoza, Jim Pebanco, at Joel Lamangan na siya ring nagdirek.
Sabi ni Direk Joel, masaya lang daw ang pelikulang ito, at ang saya nga,, nakakatawa ang mga eksena nila na karamihan daw ay adlib.
Sabi ni Direk Joel, dun na raw mismo sa set ay binabago niya ang script at siya na mismo ang nagsusulat.
“Script in progress po yun. Habang nagsu-shoot, pag kailangan baguhin, binabago. Sapagkat wala naman doon ang writer, ako na lang po ang nagbabago. Opo. Script in progress, pero isang bayad lang po yun,” sabi ng beteranong direktor.
Ang tingin nga namin, mga bading lang at siguro ilang kababaihan ang mag-enjoy sa pelikula.
Pero sabi ni Direk Joel at ilang cast, magugustuhan din ito ng mga straight na lalaki at babae.
“Siyempre kahit sino mang straight sa lipunang ito, may kaibigang bading.
“Lalo nilang maintindihan kung ano ba itong tinatawag na bading. Anong klaseng hayop ba ito. Lalo nilang maintindihan sila pag napanood nila ito,” saad pa ng aktor / direktor.
Hindi naman nagpapanggap na lalaki si Direk Joel, pero marami raw siyang kaibigang tunay na lalaki.
Naging Corps Commander pa nga raw siya nung high school, kahit alam nilang bading ito.
“Pag umuwi ako sa Cavite, puro lalaki ang mga kaibigan ko. Nakiki ‘pare pare’ din ako siyempre ako. Alam nila!” bulalas niya.
Dagdag pa niyang kuwento; “Totoong Corps Commander ako nung High school. Lahat ngayon nang dati kong kadete, alam nila kung ano ako. Pare pare pa rin. Wala namang…hindi tinitingnan ang mababa, hindi tinitingnan ang masama.
“Ang mga bakla, meron yang kaibigan lalaki. Kaibigan talaga. Hindi yung kaibigan na tsutsugihin, hindi na dyodyowain. Hindi yung ginagawa ni Arnell. Ganun!”
Lutang na lutang sina Direk Eric at Arnell sa pelikulang ito. Pero magagaling silang lahat, ang natural lang ng acting nilang lahat.
Nag-enjoy si Eric sa role niya rito, at ayaw niyang tanggaping siya ang susunod na Dolphy.
Iba raw ang Daddy niya, at iba rin siya. Nilinaw niyang pampamilya ang pelikula, kahit mga bading ang karakter ng pelikula.
“The movie is actually for the whole family. Not just for the LGBTQ community,” sabi Eric.
Pero napapag-usapan ang friendship, hindi rin daw isyu ang gender sa pagkakaibigan. Meron kang kaibigang gay o straight, hindi raw isyu iyun sa mga tunay na pagkakaibigan.
Ani Eric Quizon; “And like I said, ako sinasabi ko nga sa sarili ko e. Ngayong tumatanda na ako, ngayon ko nare-realize na yung value ng friendship. ‘Yung value ng mga kaibigan. Kasi itong mga tao na ‘to, sila yung puwede mong puntahan, sandalan, takbuhan, sa mga in times of need or dark times or even yung mga masasayang panahon. And of course sa family. So ang babalik-balikan mo ay ang pamilya,” saad pa ng actor/director Eric Quizon.
- Latest





















