AiAi, nag-comeback sa Kapamilya

Nagbabalik ang GMA star na si AiAi Delas Alas sa music scene bilang AADA na naglunsad ng bagong novelty song na pinamagatang Haliparot Delulu sa ilalim ng Kapamilya label na StarPop kasabang pagdiriwang niya ng ika-35 taon sa industriya.
Dala ng multi-awarded actress, comedienne, at singer ang kanyang signature wit, humor, at charisma sa kanyang comeback dance-pop music pagkatapos ng 11 taon.
“After 11 years bilang lucky number ko siya,” ani AiAi, na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa Nobyembre 11.
Tungkol ang Haliparot Delulu sa makabago at magulong dating scene at may mensahe ito na tigilan na ang paghahabol sa ‘ghosters’ at piliin ang sarili.
Mula ang kanta sa panulat nina StarPop label head Roque “Rox” Santos at ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo na inareglo naman ni Theo Martel.
- Latest























