^

PSN Showbiz

Vlogger sa Vivamax

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Naging suki noon ng mga teleserye at drama anthology si Gelo Tuazon. (parang suki sa palengke lang ha!) Ilan sa mga naka-eksena niya sina Carlo Aquino, Gerald Anderson at Enchong Dee. (love you Enchong! My bro!) Pero hindi nagtuloy tuloy ang inaasam nyang career. (ay may humarang?!)

“Natigil ‘yung mga raket ko kasi nag-pandemya tapos nawala pa franchise ngabs-cbn, karamihan kasi talaga ng projects ko sa Kapamilya Network,” pag-alala ni Gelo. (sana i-text mo ko, bro!)

Kinailangan niyang dumiskarte ng pagkakakitaan para mabuhay. “Nag-isip akong magnegosyo. May naitabi akong konti kaya kumuha ako pwesto tapos nagbenta ako ng chicharon at fish cracker. Sikat kasi ‘yan sa lugar namin sa Bulacan. Nagde-deliver din ako sa mga tindahan at grocery.“ (padeliver, bro!)

Nung dumami naman ang mga vloggers, naki-uso rin sya. Kinarir nyang i-content ‘yung mga kainan sa Bulacan. (kumakain si koya!)

“Mahilig kasi ako kumain. So, pumupunta ako sa mga sikat na kainan sa Bulacan. Tapos nagpapaalam ako na i-vlog ko sila.  Mga napuntahan ko ‘yung mga sikat na tinapayan, sisigan. Minsan kahit nga mga bilihan ng parts ng motor, bibili lang ako tapos i-vlog ko na rin,” pagbabahagi ni Gelo. (basta hindi kinakain ang parts ng motor ha!)

Bilang aktibo na sya sa social media, nabigyan sya muli ng pagkakataong bumalik sa pag-arte at ngayon ay mas palaban na sya. (boylet na may laban?!)

“Ngayon naman susubukan nating ‘yung pagpapa-sexy. Kung dati mga drama at action, ngayon willing na ‘ko sa sexy. Nakapag-pictorial na ‘ko sa Vivamax,” pagbibida ni Gelo. (hubaderong food vlogger na?!)

Wala raw syang palalagpasing oportunidad sa showbiz. “Payag ako sa lahat ng pwede kong maipakita, mapalikod o harap. Papayag ako. Ganun naman talaga pag-artista, ‘pag kailangan. Trabaho yan.” (walang itatago ang kuya mo!)

Sa kanyang guest appearance sa youtube channel naming WTFu, binanggit ng 33 anyos na binata na pangarap nyang makatrabaho ang aktor na si Martin Del Rosario sa isang gay film. “Pinapanood ko ‘yang si Martin Del Rosario tapos nakikita ko, sobra syang passionate sa pag-arte. Nakikita ko sa kanya na mahal na mahal nya ‘yung trabaho nya. Nagagampanan nya ‘yung bawat karakter na ibinibigay sa kanya. Maganda ‘yung pagganap nya lagi. Gusto ko talaga sya makatrabaho.” (gusto ko rin sya!)

Nag-iwan pa sya ng mensahe para sa kanyang iniidolo. “Idol Martin Del Rosario, pag tayo nagkatrabaho, bibigyan kita ng matinding eksena. Hahalikan kita, Roromansahin kita.” (ay uunahan pa ako!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

NAKNGFU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with