Emman, paglalamayan ng dalawang araw!

Sa Nov. 3 at 4 nakatakda ang burol kay Emman Atienza na gagawin sa Heritage Memorial Park, Taguig.
Nasa Amerika pa sina Kuya Kim Atienza at ang asawa niyang si Felicia para kunin ang labi ng bunso nilang anak.
Kahapon ay nag-announce naman ang dating Manila mayor at congressman Lito Atienza na hindi muna sila magla-live sa kanyang Facebook account dahil sa pinagdaraanan ng pamilya.
Regular na nag-Facebook live si Cong. Lito para makipag-usap sa followers niya. Pinag-usapan dito ang mga maiinit na isyu ng bansa, at nagbibigay rin ng tulong sa ilang nangangailangan.
“To all the loyal followers and supporters of Former Manila Mayor and Deputy Speaker Cong. Lito Atienza, we would like to inform everyone that Cong. Lito Atienza will be taking a pause from his regular Facebook Live broadcasts as the Atienza family is currently going through a difficult time following the passing of his beloved granddaughter, Emman Atienza.
“We sincerely ask for your understanding, prayers, and respect for their privacy during this period of mourning.
“Thank you for your continued support and compassion,” naka-post sa kanyang social media page.
Pero nag-Facebook live si Cong. Lito kahapon para magpasalamat sa lahat na nakiramay sa kanila.
Bahagi ng kanyang pahayag, “Maraming salamat po sa lahat, mga kababayan, mga kaibigan, mga kamag-anakan na nagpadala ng kanilang pagbati ng pakikiramay sa sinapit ng aking pinakamamahal na apo.
“Masakit po at tunay na nagbibigay-dalamhati ang sino mang makaranas nito.
“Subalit, tinatanggap po natin na tayong lahat merong katapusan. Meron tayong simula, at at meron tayong hangganan.
“Ang mahalaga ay ‘yung pagitan noon, gamitin natin para sa mabuti at para sa tama.”
Sabi pa niya, “Mga mensaheng galing sa lahat ng bahagi ng sulok ng mundo. Ako’y nagulat sa rami ng nagmamahal at mayroong damdamin para sa amin.
“Maraming, maraming salamat po galing sa America, Canada, Japan, Australia, Hong Kong, Singapore and all over the provinces.
“To all the bishops, the monsignor and the priests who sent their prayers and inspirational messages for me. To all of you, I’m very very grateful. Maraming salamat po.
“Mahalin n’yo ang inyong mga anak. Ang inyong apo, ang inyong asawa, mga kaibigan.”
Sa TikToClock naman noong nakaraang Miyerkules ay nagbigay ng mensahe ang co-hosts ni Kuya Kim.
Sabi ni Faith da Silva, “Alam n’yo mga TikToTropa, sa bawat nakikita natin sa isa’t-isa, may mga laban din tayong hindi nakikita ng lahat.
“Kaya nga, sana bago tayo humusga at magbitaw ng mga masasakit na salita, piliin muna natin umunawa.”
Dugtong ni Haley Dizon, “‘Yun mismo ang aral na iniwan sa atin ng minamahal nating si Emman Atienza. To show compassion, courage, and a little extra kindness in our everyday life.”
Dito nila ipinakilala ang guest host nila na si Camille Prats. Siya muna ang makakasama nila habang naka-leave si Kuya Kim Atienza.
Archie, nakasuot na ng pang-preso!
As of yesterday, wala pang ginawang aksyon ang kampo ni Archie Alemania pagkatapos siyang hatulang “guilty” sa kasong Acts of Lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela.
Wala siyang ipinost sa kanyang social media account kundi ang kuha sa kanya sa set ng tine-tape niyang programa.
Nakasuot siya ng T-shirt ng preso kasama si Albert Martinez.
Mukhang kuha ito sa taping ng Batang Quiapo.
May kuha rin siya na nasa isang golf course.
Nung huling check namin sa kampo ni Rita Daniela, wala pa raw silang alam kung ano ang susunod na hakbang na gagawin nila.
Nahatulan si Archie ng isang buwan at isang araw na pagkakulong. Bibigyan sila ng 15 days kung iaapela nila o mag-file ng Motion for Reconsideration.
May copy furnished naman daw sila kung sakaling may ginawa na ang kampo ni Archie.
Samantala, ipinost ni Rita ang pasasalamat at inalay niya ang hustisyang nakuha niya sa lahat ng mga kababaihan at kalalakihan na nakaranas ng harassment, abuso at pangmomolestiya.
“So, I am celebrating this justice with you. Today, we all won. We won.
“God loves us,” bahagi ng pahayag niya.
- Latest























