Fyang, biggest plot twist si JM!

Chill lang sina JM Ibarra and Fyang Smith kahapon sa pocket presscon ng Shake Rattle & Roll (SRR) Evil Origins na official entry sa Metro Manila Film Festival 2025.
Lahat ng tanong ay sinasagot nila ng isa sa hottest loveteams sa kasalukuyan.
Pinaghandaan daw nila ang Pasko para sa SRR Evil of Origins.
Nag-training sila at hindi lang sila basta mananakot. Iba aniya ang ginawa nila.
At ang isang nagpaaliw sa kuwento nila ay nung aminin ni Fyang na nanghinayang siya na walang nagparamdam sa kanila habang nagsho-shooting sila.
“Hinintay ko talaga na magparamdam sila, wala eh,” natatawang kuwento ni Fyang sa ilang dumalo sa pocket presscon.
Bukod pa sa nagpakatotoo sila sa status ng kanilang relasyon kasabay ng kanilang pasasalamat sa marami nilang blessing.
Bukod aniya sa maraming trabahong natatanggap niya : “Maraming blessing nung dumating siya sa buhay ko. Siya ‘yung pinaka-biggest plot twist ng buhay ko talaga. Siya ‘yung pinaka-unexpected. Siya ‘yung pinaka-biggest plot twist and pinaka-unexpected. Yet, sobrang happy ako na dumating siya sa buhay ko. Ganung type of thing. Ganung type siya sa akin. Ganon ‘yung impact niya sa akin,” pag-amin ni Fyang.
Ulit niya pa : “Isa siya sa mga pinaka-unexpected na taong dumating na hindi ko akalain na magiging malaking impact sa buhay ko. Magiging malaking tulong sa buhay ko. Isa [siya] sa mga naging importanteng tao sa buhay ko,” sabi pa ng PBB alum na may karugtong na joke.
Ganundin naman ang sagot ni JM. “Ayun din, I guess parehas kami ng plot twist, na hindi namin in-expect na kaming dalawa ‘yung magtutulungan para sa buhay namin.
“And syempre, bukod dun, thankful kami sa pang-araw-araw na buhay na bigay sa amin dito. Kasi kung wala ‘yun, hindi namin maa-achieve ‘yung kung anong meron kami ngayon. Marami kaming pasasalamatan, sumusuporta sa amin. And, itong team namin na walang sawa and sobrang haba ng pasensya para sa amin. And isa pa, thankful ako sa suporta and sa tiwala na ibinigay ninyo sa amin since day one.”
Anyway, excited na sila sa Pasko dahil sa SRR na dati ay pinapanood lang nila, pero ngayon, kasama sila sa mga bida ng pelikula ng Regal Entertainment na Christmas tradition na kumbaga.
Samantala, wala pang one year since lumabas sila ng Bahay ni Kuya pero in all fairness, massive ang kanilang naging success.
Kaya naman, natanong sila kung meron ba silang pwedeng i-share sa mga bagong housemates.
Mga celebrity ang housemates na bagong pasok sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
Say ni Fyang : “Hindi po kasi mapi-feel talaga na bida-bida ka once na masaya ka eh. Hindi talaga... Ngayon kasi sa mga housemate na nasa loob ng bahay ni Kuya, nagiging comfortable na sila. It’s ano talaga, minsan-minsan malilimutan na talaga na nasa loob sila ng bahay ni Kuya. Kasi parang feeling nila, nasa bahay lang talaga sila. Ganun ka [comfortable].
“Makakalimutan mong pinapanood ka ng milyun-milyong tao sa Pilipinas. ‘Yung girls, ang daming sinabi.... Ito na. Sabihin ko na. Tingin ko ‘yung girls ang mapapasa ko sa kanila is magpakatotoo lang sila kasi personally, hindi naman nila mapi-please lahat ng tao, kung bad man o good man ‘yung ipakita nila sa loob. Hindi mo mapi-please ‘yung isang tao. So I suggest sa lahat ng housemates dun, huwag silang matakot na ipakita ‘yung kung sino talaga sila. Kasi feeling ko mas maa-appreciate sila ng taong bayan kapag hindi sila naging plastic,” mahabang sabi ni Fyang.
Ayon naman kay JM : “Siguro sakin, aside sa maging totoo, which is ayun naman talaga dapat. Mag-enjoy sila, be observant kasi lalo ngayon for sure maraming perfomative dyan. So, as long as nag-i-enjoy ka, as long as nagpapakatotoo ka. Observe ka lang, kahit saan. Enjoy sya eh like o-observe mo ‘yung mga co-housemates mo, observe mo ‘yung mga task na ipapagawa ni Kuya. As long as nasa loob ka ng bahay ni Kuya, mag i-enjoy ka.”
Ang episode nila ay idinirek ni Joey De Guzman para sa Regal Entertainment.
- Latest
























