JM at Marielle, wagi agad sa YFSF

Matagumpay na binuksan nina JM Dela Cerna at Marielle Montellano ang pinakabagong season ng Your Face Sounds Familiar matapos silang tanghaling unang weekly winners ng programa dahil sa kanilang pasabog na impersonation bilang Andrea Bocelli at Céline Dion.
Dahil sa makabagbag-damdamin nilang bersyon ng The Prayer, nasungkit nina JM at Marielle ang pinakamataas na combined votes mula sa jury na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta pati na rin mula sa kanilang kapwa celebrity performers.
Ibinahagi nina JM at Marielle na matinding pagsubok sa kanila ang unang linggo lalo na may pressure bilang kaisa-isang duo ngayong season.
Bilang weekly winners, nakatanggap sila ng trophy at ?50,000 na premyo. Ang pumangalawa ngayong linggo ay si Jason Dy na nag-transform bilang si Erik Santos na nakakuha naman ng pinakamataas na puntos mula sa jury.
Asahan ng mga manonood ang mas marami pang nakamamanghang transformations, world-class performances, at masayang kulitan sa mga susunod na linggo. Abangan ang transformations nina JM at Marielle bilang Lady Gaga at Bradley Cooper; Jason Dy bilang Sam Smith; Pepe Herrera bilang Steven Tyler; Akira Morishita bilang Harry Styles; Alexa Ilacad bilang Connie Francis; Dia Mate bilang Maymay Entrata; Jarlo Base bilang Jay-R; at Rufa Mae Quinto bilang Cyndi Lauper.
GMA Kapuso Foundation, patuloy sa pagtulong sa mga biktima ng lindol
Sa ilalim ng Operation Bayanihan nito, naglunsad ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) ng relief distribution efforts sa Davao Oriental para sa mga biktima ng lindol.
Kasalukuyang umabot na sa 12,000 katao sa Davao Oriental ang nakatanggap ng tulong mula sa GMAKF.
Habang isinasagawa ang mga relief distribution efforts dito, patuloy pa rin ang Kapuso Foundation sa paghatid ng tulong sa mga lugar sa Cebu na naapektuhan din ng lindol. Mahigit 3,000 pamilya na mula sa mga munisipalidad ng Sogod, Borbon, Tabogon, at Tabuelan ang nabigyan ng tulong ng Kapuso Foundation.
Sa mga nais magbigay ng tulong sa pamamagitan ng cash donations, maaaring magdeposito sa official bank accounts ng Kapuso Foundation o magpadala sa Cebuana Lhuillier. Para sa kumpletong detalye at impormasyon, bumista lamang sa www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.
- Latest





















