Chie, babu na sa pagiging hubadera

Babu na raw sa pagiging hubadera si Chie Filomeno.
Nagpapa-disente at classy na raw ito ayon sa ilang netizens na ayaw siyang tantanan.
Yup, nagbago na raw ng branding ito simula nang ma-link kay Matthew Lhuillier base sa kanyang mga post sa lahat ng social media pages niya.
Aprubahan na raw kaya siya ng mga old rich circle ng Lhuillier family?
Anyway, andami ring nag-comment kahapon sa kanyang TikTok video kung saan naka-baby blue long sleeve siya, na may caption na “that feeling when your visa gets approved.”
May nag-comment na “Ba’t classy na ang datingan natin ngayon?”
Sumagot ito ng “I’ve always been classy. You’re just selective. Have a good day”
Ah well, inaabangan ng mga netizen ang ganap sa lovelife ni Chie.
- Latest
























