^

PSN Showbiz

‘We demand transparency’- sigaw ni Agot sa ICI

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
‘We demand transparency’- sigaw ni Agot sa ICI
Agot Isidro
STAR/File

Nagde-demand ng transpa­rency si Agot Isidro sa ginaganap na imbestigasyon ng Commission for Infrastructure (ICI).

Binuo nga ang nasabing Komisyon upang imbestigahan ang mga iregularidad sa mga flood control project at tiyakin ang pananagutan sa paggamit ng public funds.

At inatasan ang ICI na imbestigahan ang korapsyon sa flood control projects sa loob ng nakaraang 10 taon.

Pero hindi nga raw magkakaroon ng livestrea­ming ang nasabing imbestigasyon.

Nilinaw ito kamakailan ng bagong executive director ng ICI na si Brian Keith Hosaka, na nagsasabing ang investigation ng ICI ay isang “proseso” na hindi agad matutukoy.

Ang mga isinasagawang imbestigasyon sa isyu ng Senate Blue Ribbon committee at ng House infra-committee ay live­streamed sa TV at social media platforms.

Pero naka-pause ito sa kasalukuyan.

Ang usap-usapan, ‘pinatitigil’ na diumano ito kaya suspended daw muna.

Kaya si Agot, nanawagan na magkaroon ng live streaming ang imbestigasyon ng ICI para hindi blinded ang bayan.

Post ni Agot sa kanyang X account : “Sila sila na nag-aaway. Tayo, mga audience lang? Ganun na lang?

“Dapat may say tayo sa mga nangyayari.

“Dapat parte tayo ng mga imbestigas­yon, bilang tayo naman nagpapasweldo sa kanila.

“Since hindi na tayo maREPRESENT nang tama, dapat may boses na tayo sa mga hearing na yan…

“Suggestion ko lang, dapat yung ICI, ibukas ang talakayan sa publiko. Yung mga documents at ebidensya, ilabas. Kung may meeting, payagan ang media na mag-cover.

“We demand transparency.

“We demand inclusivity.

“Pera namin yang ginagastos n’yo. Bakit tinatago sa amin?”

On point naman.

Kung talagang honest and fair naman, i-livestream na nila.

AGOT ISIDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with