^

PSN Showbiz

Ang PBB sa FDCP

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Thank you naman sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Direk Joey Reyes dahil ilang beses na ako nagiging bahagi ng kanilang mga espesyal na pagdiriwang. (baka magka-movie na ako nyan!) Nitong nakaraang Sabado lang naging host ako sa closing ceremony ng Philippine Film Industry month na tinawag nilang Pelikula at Pilipino sa Robinsons Manila. (ako na ang may ambag sa film industry!)

Nakasama ko ulit sa hosting si Tyang Amy Perez. (I love you, Tyang!)

Matagal ko siyang nakatrabaho sa isang talk show noon sa TV5, kaya sobra akong na-excite nang makita ko sya ulit. In fairness, iba pag kaming dalawa ang nakasalang, parang magkumare lang talaga. (feeling ko nga ako si Roderick Paulate!)

Bongga ang mga presentation ng mga naging activities nila ng buong buwan ng September, tulad na lang ng pagbibigay pugay sa mga female personalities na hindi matatawaran ang ambag sa pelikulang Pilipino. (wala ako sa list ha!)

Pang telebisyon din ang atake ng production numbers nina Jason Dy at Lara Maigue. (parang gusto ko maging bro si Jason!)

Naging highlight ng programa ang pagdating na apat na PBB collab housemates na sina Esnyr, Michael Sager, Will Ashley at River Joseph. (na pwede na nila akong maging tito!) Inimbitahan sila para magpasaya sa mga manunuod at tagasuporta ng movie industry. (at pasayahin ako!)

Aminado naman ako na never kong naisilip kahit isang episode ng kanilang PBB edition. (suplada?!) Pero aware naman ako kung gaano sila kasikat.

Nasaksihan ko rin ‘yan mismo, kung paano sila dumugin sa event. (at maghiyawan to the highest level ang mga fans!) Hindi rin sila magkandaugaga sa rami ng gustong magpa-selfie sa kanila habang tumatanggap ng mga sari saring regalo. (may food at may mga handmade artworks kineme mula sa fans!)

Pinikilig nila ang audience nang mag on the spot actingan sila.

Nagdrama sina Esnyr at Michael. (ako ang third party?!) Nag-aksyon si River. (ako ang leading lady ha!) Ako naman nagsilbing Ate Vi kay Will na kunwari ay si Carlo Aquino sa Bata Bata paano ko ginawa. (ako na feeling star for all seasons!) Nagpaunlak din sila na sumali sa ilang set ng games kasama ang kanilang fans. (na akala ko hihimatayin sa sobrang saya!)

Congratulations FDCP! (mahal ko na ata si River!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

FDCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with