Cherry Pie, may pakiusap

Ngayong araw mag-uumpisang ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang The Last BeerGin.
Kabilang sa cast si Cherry Pie Picache.
At todo ang pakiusap niya na sana ay bumalik ang mga manonood sa mga sinehan.
“Totoo naman ‘yung sinasabi ni Direk (Nuel Naval) tsaka ni Ate Mel (del Rosario – writer), matagal ng may pagsubok sa industriya natin. Kasi ‘di ba, hindi lang naman ‘yun sa mga nangyayari sa atin ngayon ‘yung nagbibigay ng challenge sa moviegoers. It’s also, because of the technology, ang daming platforms. Economics, mas mura kung sa TV nila papanoorin pero syempre ang lagi namin sinasabi, iba pa rin ‘yung experience ng cinema. So sana tulungan n’yo kami na, you know, to encourage people na bumalik sa sinehan. Pangalawa, marami tayong challenges ngayon. Siguro kasi ngayon nararamdaman ng tao ‘yung hirap sa buhay. Kaya hindi na maiwasan dun din mag-express,” pakiusap na sabi ni Ms. Pie na ikinokonek sa kasalukuyang nagaganap sa ating bayan.
“But sana lang, ayusin pa rin natin. Huwag tayo sanang umabot sa hindi na tayo magbayad ng tax. Huwag natin gawin ‘yung ginagawa nila. Iayos pa rin natin, pero ipakita natin ‘yung sama ng loob natin, ‘yung frustration natin, ‘yung galit natin.
“Tulungan natin ‘yung dapat tulungan. Tapos it really starts with us. Sa atin talaga, minsan talaga ‘yung disiplina, magri-ripple effect naman ‘yan eh. Pero tayo rin kasi minsan pasaway. It’s sad to say, na ang Pilipino rin minsan pasaway. So, unti-unti. And we really have to make a stand on any issue, kahit ano pang stand ‘yan. Kasi kung mananahimik ka, dun mamamatay ‘yung... paano natin mapaglalaban ‘yung bansa na mahal natin,” dagdag na pahayag pa ni Ms. Pie na walang kurap na naniniwalang kapag may alak, may balak.
“Hindi naman na tayo mga bata. We all know that. Alcohol makes you bolder, less inhibited, so I think that’s where the saying started and yeah, totoo naman,” hirit pa ng actress kung manginginom ba siya.
Pero hindi raw siya nagpapalango na kanyang house rule.
“I never get wasted. Nakakita na kasi ako years back ng isang artista na kinailangan buhatin sa sobrang kalasingan at sabi ko, ‘I won’t be like that ever,’ so hindi ako talagang tumotodo,” kuwento niya pa.
Sinusundan ng pelikula ang kuwento ang limang stranger na, sa ilang inumin, nagsimulang magbuhos ng kanilang mga lihim, heartbreak, ang kanilang pangangailangan na marinig.
Sasagutin sa pelikula ang chaser question: “Sa shot ng buhay, ilan ang kaya mong itagay?”
Kaya naman nakakatawa, masakit sa puso at may halong brutal ang kuwento nito na nawa’y sugurin talaga ng maraming manonood sa mga sinehan.
- Latest






















