^

PSN Showbiz

AshDres, parang JaDine ang direction

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
AshDres, parang JaDine ang direction
Ashtine Olviga at Andres Muhlach

Sina Ashtine Olviga at Andres Muhlach na kaya ang next hottest loveteam ng bansa?

Mainit na mainit ang pagtanggap ngayon ng fans sa tambalang AshDres (for Ashtine and Andres) na nagsimula lamang nang sila’y pagtambalin ng Viva (their home studio) sa hit Viva One series na Ang Mutya ng Section E this year.

Dahil sa mabilis na pag-grow ng fanbase ng dalawa at pagiging hit ng Ang Mutya ng Section E, hindi nag-atubili ang si Boss Vic del Rosario na sugalan ang dalawa sa kanilang una-unahang pelikula (bilang loveteam) sa pamamagitan ng Minamahal: Isang Daang Bulaklak Para Kay Luna mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa darating na Sept. 24, 2025.

Ultimo sina Ashtine at Andres ay hindi makapaniwala na kakagatin nang husto ang kanilang unang serye.

Proud naman kay Andres ang kanyang celebrity parents, si Aga Muhlach at Charlene Gonzalez dahil sa mabilis na pag-angat ng career ng twin brother ni Atasha Muhlach considering na ngayong taon lamang siya nagsimula after signing up with Viva for a management contract.

Unknown to many, ang Viva rin ang nagpasikat nang husto sa ama ni Andres, Aga, sa pamamagitan ng 1984 super hit movie na Bagets na gagawin nang isang musical play sa early part ng 2026.

Habang nasa kalagitnaan ng promo ang movie ng AshDres including Cebu and Iloilo na kanilang dinalaw over the weekend, naisingit naman ni Ashtine ang launching ng popular Japanese restaurant na Botejyu, ang Donburi Rice Bowls with her as their newest celebrity endorser.

Tamang-tama naman ang pagkakahirang kay Ashtine bilang bagong mukha ng Donburi Rice Bowls dahil paborito niya ang mga ito for take-out and delivery laluna kapag siya’y nasa taping or shooting and is served hot dahil sa kakaibang packaging ng take-out box nito.

Ang launching nito with Ashtine ay ginanap sa Viva Café nung isang araw, Sept. 17, 2025, na dinagsa ng kanyang loyal fans mula sa iba’t ibang organisasyon.

Samantala, ang nakikitang popularity ngayon nina Ashtine at Andres ay maihahalintulad nung nagsisimula pa lamang ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre nung 2014 sa pamamagitan ng pelikulang Diary ng Panget na siyang naging instrumento ng kanilang tuluy-tuloy na pagsikat until the sudden fall-out ng kanilang tambalan dahil na rin sa kanilang personal na hiwalayan bilang magkasintahan in 2018.

Lani, hirap pa rin dahil sa kabingihan

Sabay na dinapuan ng bacterial meningitis ang mag-asawang Noli at Lani Misalucha nung kasagsagan ng pandemic nung 2020 who were both rushed to the hospital at pareho rin silang na-ICU.

Inakala noon ni Lani na katapusan na ‘yon ng kanyang singing career dahil bukod sa hindi siya makatayo at makalakad, hindi rin siya makarinig.

Halos isang taon ding nawala sa limelight si Lani habang ito’y nagpapagaling. Although she’s not totally healed yet, nanatiling bingi pa rin ang kanyang right ear (gayundin ang kanyang mister na si Noli), pareho na silang nakakalakad ngayon. 

Malaki ring struggle para sa kanya ang pagiging partially hearing-impaired bilang singer dahil hindi niya gaanong marinig ang kanyang accompaniment when she performs.

Pero nairaos ni Lani ang kanyang anniversary concert kamakailan.

 

ASHTINE OLVIGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with