^

PSN Showbiz

Kasal nina EA at Shaira, star-studded

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Kasal nina EA at Shaira, star-studded

Isa nang ganap na Mrs. Edgar Allan ‘EA’ Guzman ang Kapuso singer, actress-host na si Shaira Diaz matapos itong makipagpalitan ng ‘I Dos’ sa kanyang mister na ngayon, ang kapwa niya singer-actor at co-celebrity endorser ng Beautederm na si Edgar Allan Guzman na mas kilala sa kanyang palayaw na EA Guzman.

Fifteen pairs ang tumayong principal sponsors at kasama sa mga ito sina Boy Abunda, Rei Anicoche-Tan, Ben Chan at Atty. Annette Gozon-Valdes, Arnold Vegafria at Joy Marcelo, Jose Mari Chan, Cheryl Ching-Sy, Arnold Clavio and Susan Enriquez at Sen. Jinggoy Estrada.

Kasama sa tumayong Groomsmen sina Coco Martin, Gerald Anderson at ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz. Kasama naman sa Bridesmaids sina Julia Montes, Jasmine Curtis at Arra San Agustin.

Hindi nakarating sa nasabing pagtitipon ang King of Talk na si Boy Abunda bilang isa sa Principal Sponsors dahil naka-live ang kanyang Fast Talk with Boy Abunda but he congratulated the couple on his show.

Nakakabilib ang love story ng bagong mag-asawa dahil tumagal ng 12 taon ang kanilang relasyon na wala silang sexual contact until after silang ikasal.

Nagkakilala ang dalawa nung 2012, naging magkasintahan the following year, got engaged in December 2021 but only admitted to the public nung 2024.

Marami ang humanga sa dating contestant and winner ng Mr. Pogi segment ng Eat Bulaga dahil matiyaga itong nakapaghintay ng 12 taon sa kanyang misis na ngayon na si Shaira Diaz.

It pays to wait!

Sid, ‘ginising’ ng anak sa pagdo-droga!

Hindi ikinakaila ng mahusay at award-winning actor na si Sid Lucero na dumaan umano siya sa madilim na kahapon dahil nagrebelde siya nung kanyang kabataan dahil sa maagang paghihiwalay ng kanyang parents, ang namayapang award-winning actor na si Mark Gil at ang kanyang model-actress mom na si Bing Pimentel.

Dalawa silang tunay na magkapatid – si Max Eigenmann na isa ring award-winning actress. Half-siblings naman nila sina Gabby Eigenmann (na isa ring actor) at si Andi Eigenmann na tinalikuran ang showbiz para manirahan sa Siargao Island with her family.

During our exclusive interview with the Posthouse star para sa aming online talk show, ang TicTALK with Aster Amoyo, inamin nito na naging unprofessional umano siya noon sa kanyang trabaho, sinubukang mag-drugs, natutong uminom at iba pang bisyo na naging mitsa ng paghihiwalay nila ng ina ng kanyang kaisa-isang anak na si Halo Eve na si Bea Lao, drummer ng General Luna Band.

Pero nang isilang si Halo ay tila ‘nagising’ si Sid at biglang-bigla ang kanyang pagbabago.

He now considers himself a changed man.

Although they’re no longer together with his ex-partner, magkaibigan sila dahil sa kanilang anak.

Whenever he’s not busy, he makes it a point na may oras siya sa kanyang anak at lumalabas silang tatlo ng ina ng bata na parang buo pa rin ang kanilang pamilya.

Sinusundo at inihahatid din niya ang anak sa school who’s now 12 years old. “I have a very close bond with my daughter,” pag-amin ni Sid na ang partner ngayon ay ang panganay ng singer-actress na si Lara Morena na si Millen Galang.

EA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with