^

PSN Showbiz

Chai, sanay na sa dramahan

Pilipino Star Ngayon
Chai, sanay na sa dramahan
Chai Fonacier.
STAR/ File

Ikinagulat ng mga manonood ang isang twist ng Beauty Empire, ang matinding rebelasyon ng international actress na si Chai Fonacier na naging isa sa mga pinaka-pinag-uusapang tagpo ng palabas.

Pinuri ng mga manonood ang husay niya sa pagganap ng isang napaka-komplikadong papel.

Sabik na ngayong inaabangan ng fans kung paano yayanigin ng tunay na pagkatao ni Kriselda ang mundo ng kagandahang punung-puno ng intriga, at ang mga plano ng paghihiganti ni Noreen na ginagampanan ni Barbie Forteza.

Ang konsepto ng serye ay binuo ng creative team ng CreaZion Studios sa pangunguna ng award-winning director na si Real Florido at beteranang manunulat na si Rona Co, katuwang ang GMA Network at Viu Philippines.

At ang plot twist, sa eksena kasama si Noreen na ginagampanan ni Barbie, sa wakas ay natuklasan niya kung sino talaga si Marie Armani nang alisin ni Kriselda ang kanyang maskara. Ang rebelasyong ito ay nagpakita na si Kriselda pala ang hooded informant simula’t simula. Siya mismo ang source sa likod ng mga katotohanang nalaman ni Noreen mula kay Marie Armani. Sino ang mag-aakalang si Kriselda, ang loyal executive assistant ni Velma (ginagampanan ni Ruffa Gutierrez), ay siya rin palang palihim na nagbahagi ng mga katotohanang iyon kay Noreen?

Nang tanungin tungkol sa eksena ng pagbubunyag, ani Chai, “It was heavy. We did multiple takes of the scene top to bottom, at least 10 minutes each take, plus discussions with both Barbie and Direk Mark. Overall, it took several hours—the whole late afternoon to early evening. That felt to me like great collaborative work between actors and director.”

Hindi na bago kay Chai ang mga matitinding pagganap, na nakilala sa kanyang international role sa Nocebo.

Nakakaya niyang gawing makatotohanan ang kanyang karakter na mas nagiging kapana-panabik sa eksena.

CHAI FONACIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with