Marian, naka-bonding ang Thai GL actress

Biglang nasa Singapore si Marian Rivera para sa luxury brand na Bvlgari.
Lately ay lumalaban na ang bagong panalong Best Actress sa EDDYS sa mga fashion event here and abroad.
Nauna na siyang rumampa sa Italy.
At kasama ng Kapuso queen sa Singapore ang Thai actress na si Orm Kornnaphat.
Kilala si Orm sa GL series na The Secret of Us at Only You.
“Elevate every moment. #Bvlgari #BvlgariWatches #BeyondTime @bvlgari,” aniya sa isa sa mga caption niya.
May reel na sinisipat niya ng magnifying glass ang alahas or relos ba ‘yun?
Ahh worth how much kaya ang nabili niya?
- Latest





















