River, nagmarka ang bakat!

Sunud-sunod ang raket ng mga Pinoy Big Brother Celebrity Collab pagkatapos nilang lumabas ng Bahay ni Kuya.
Hindi na nga raw nila na-check ang mga reaction ng netizens sa social media dahil tuluy-tuloy na ang mga ginagawa nila.
Kagaya ni River Joseph, mas nagmarka sa kanya ang grey jogging pants na may bumabakat. Kaya siya ang pinagpantasyahan ng mga kabadingan dahil sa angking ‘kadakilaan’ nito.
Natatawa na lang si River dahil iyun daw ang isa talaga sa napansin niyang pinag-usapan online.
Nasusubaybayan ng mga netizen ang mga lakad nila na halos sila pa rin ang magkakasama. Talagang nabuo ang maganda nilang pagsasamahan, at natuloy ang closeness nina AZ Martnez at Ralph de Leon, ganundin kina Bianca de Vera at Dustin Yu.
Pero may ka-triangle - Will Ashley sa DustBi loveteam dahil marami ring fans ang WillCa na umaasang maging sila.
Pero malinaw ngang ‘taping friend’ lang ang turing ni Bianca kay Will, at trending na naman sila sa X nang in-upload ni Will noong Lunes ang video na nire-remind niya si Bianca ang pangakong pa-full tank sa kotse niya.
Noong nasa loob pa sila sa Bahay ni Kuya ay ipinangako na ito ni Bianca sa Kapuso actor.
Sabi ni Will sa kanya; “May nagpapatanong, kailan mo raw ibibigay yung full tank ko? Kinuha ko yung donut mo.”
Natatawa si Bianca na sumagot ng; “Mamaya, mamaya, ipapa-full tank ko!
“Basta huwag lumaki yung ulo, papa-full tank ko yan, kahit araw-araw.”
Hirit naman ni Will, “Uy, araw-araw, narinig niyo yon, ha?”
Tila nahimasmasan si Bianca na bumawi nang, “Hoy, hindi, joke lang, joke lang.”
Ni-repost ni Bianca ang video na iyun ni Will na may caption na “ok taping friend.”
Nag-comment doon si Will ng; “Sabi ko na nga ba eh, taping friend pa din tigil na yan!!”
Tiyak na mag-react na naman diyan ang mga WillCa at DustBi fans
Ang isa pang winner na winner ay ang Cebuanang si Shuvee Etrata na isa sa pinaka-busy sa ngayon.
Gusto man niyang dumalo sa Eddys Choice sa Linggo, hindi raw talaga kakayanin ng schedule niya.
Sunud-sunod pala ang shoot ng commercials ng mga bago niyang endorsement.
“Basta marami po,” matipid na text sa akin ng handler niya sa tanong ko kung ano ang mga produktong ine-endorso nito.
Kahapon naman ay guest ang AzVer na sina AZ at River sa It’s Showtime na ikinatuwa nang lahat nang tumili ng “what’s up madlang pipol!”
Camille, nahirapan sa ginawang kakaiba!
Bukas na ang ending ng Mommy Dearest at ang haba ng emote ni Camille Prats na ipinost sa kanyang Instagram account.
Kilala kasi si Camille sa pagiging wholesome at hindi pa rin nawawala ang image na Princess Sarah pero sa afternoon drama na ito ay ibang Camille talaga ang ipinakita niya at naitawid niya nang bonggang-bongga.
Hindi raw madaling desisyon kay Camille na tanggapin ang role niya bilang si Olive sa seryeng ito.
At dito nga raw niya napagtantong gusto raw talaga niyang gawin ang ganitong klaseng role.
Bahagi ng IG post niya; “Playing Olive breathed new life into my passion for acting. I’m truly grateful to have explored this different side of my creativity. A heartfelt thank you to direk (@ginaalajar for laying the foundation of this character and for your steady guidance, especially during our early taping days.”
Nagpasalamat din siya sa mga co-actors niya, na una niyang binanggit ay si Amy Austria na bukod daw sa mga pagkaing lagi niyang dinadala ay nangunguna ito sa pagdarasal kapag isasalang sila sa isang mahirap na eksena.
Si Gina Alajar ang nagdirek sa Mommy Dearest sa first week ng taping nito at talagang ginabayan daw niya si Camille kung ano ang tamang atake sa role niya bilang si Olive.
Hindi lang gaanong maipaliwanag nang maayos sa akin ng taga-Mommy Dearest kung ano iyung sakit na ginagampanan doon ni Camille. May Manchausen syndrome daw iyung sakit na kailangang maipakita ito ng Kapuso actress.
Kailangang pag-aralan iyun ni Camille kaya nag-one-on-one daw ito ng consultation sa Psychologist at Psychiatrist para magampanan niya nang maayos.
Pero sa ending nito bukas ay doon mapapanood kung ano ang kahihinatnan ni Olive na nag-suffer sa kakaibang mental illness na Manchausen syndrome by proxy.
At least, may matutunan tayo diyan.
- Latest





















