Andrea Brillantes, binagayan ng pagiging ‘poganda’

Ang bongga naman ni Andrea Brillantes na lutang pa rin ang ganda kahit panlalake ang hairstyle niya sa cover ng isang magazine.
Bumagay nga rin sa kanya ang panlalakeng hairstyle dahil ang gwapo rin ng hitsura niya.
Bongga ang face card ni Andrea na pasabog lagi ang galawan.
Inakala pa nga ng ibang followers niya na magkaibang tao ang katabi niya pero siya rin pala iyon.
Nang basahin nga raw nila iyon ay nakumpirma nilang si Andrea rin iyon.
Ang ganda na nga nito at ang pogi pa kaya tinawag siyang ‘poganda.’
Bongga siya.
Carla, May reklamo rin sa internet
‘Kaloka na pagkatapos ng hanash ni Carla Abellana sa kanyang tubig ay ang internet provider naman ang na-call out nito.
Matapang niyang itinag iyon sa kanyang post at nanawagang mag-reach out ito sa kanya.
Isang linggo na raw kasing walang WiFi ang street nila dahil sa mga bumagsak na wires.
Hindi na nga raw niya mabilang kung ilang ticket numbers na meron siya sa pagre-report sa bots ng mga ito.
Aniya kailangan daw nilang makausap ang mga totoong tao at maresolbahan ang problemang iyon agad-agad.
In fairness, magalang naman ang panawagan niya dahil meron siyang “please” sa simula at dulo ng kanyang post.
‘Katawa nga ang mga komento na kawawa naman ang aktres dahil wala na itong tubig, wala pang internet at pinaghanda pa noon ang Meralco dahil baka sila na ang isunod nito.
Ang saya nga raw maging kapitbahay ni Carla dahil siya ang tagapag-ingay sa mga problema sa lugar nila.
Kaya naman tinawag siyang “Voice of the Voiceless.”
‘Kaloka siya.
- Latest



















