Bela, nagkasakit sa sobrang pagod

Ahhh nagkasakit na pala si Bela Padilla dahil sa rami nang trabaho.
Imagine nga naman pagkatapos ng taping ay pumunta siya ng Doha at Kuwait.
At pag-uwi raw ng bansa, work pa more pa rin ito para sa pelikulang 100 Awit Para kay Stella.
Kaya ayun siyempre bibigay at bibigay rin ang katawan niya.
Parang ako lang ‘yan noh. Ayan dusa ako sa hospital ngayon.
Hinang-hina talaga ang katawang lupa ako. Parang pakiramdam ko talaga, hindi ko na kayang bumangon.
Hay paulit-ulit na lang talaga ako ng emote ha.
Kasi nga wala akong ibang gagawin kundi mag-emote lang.
Kasi very weak ang pakiramdam ko.
Buti na lang talaga ay nagawa ko lahat ng bagay na pinangarap ko noon.
Lahat talaga, sobra pa sa gusto kong marating.
Imagine, andami kong datung noh. Hahaha. Na hindi ko sasabihin kung magkano ang pamana ko sa mga anak noh.
Basta bonggang-bonggang. Pero siyempre kung may magbibigay sa akin ng datung tatanggapin ko.
Yes, tumatanggap pa rin me ng datung.
Hay sabagay, 78 na naman kasi ako kaya hindi rin naman nakapagtataka na mahina na ang katawang lupa ko.
- Latest





















