^

PSN Showbiz

Herlene sanay na sanay ‘magladlad’ ng katawan, babu na sa marikit

Pilipino Star Ngayon
Herlene sanay na sanay ‘magladlad’ ng katawan, babu na sa marikit
Herlene Budol
STAR/File

Magpapaalam na si Herlene Budol sa kanyang minahal na karakter bilang Binibining Marikit sa GMA Afternoon Prime ngayong Biyernes, Hunyo 27.

Tumagal din sila sa ere ng almost five months.

Pinatunayan naman niyang marikit siya lalo na sa mga post niyang naka-two piece.

Anyway, matapos ang emosyonal na pagkikita ng mag-inang Marikit at May (Pokwang), nabihag sila nina Soraya (Pinky Amador) at Angela (Thea Tolentino) sa isang ferry. Susubukan nilang tumakas dito sa tulong nina Matthew (Kevin Dasom) at Drew (Tony Labrusca).

Magkakasagupaan ang mga tauhan ni Soraya at mga bodyguard ni May, dahilan upang mag-panic ang lahat. Muling mawawalay si Ikit sa kanyang ina. Makalipas ang ilang sandali, magkakasunog sa ferry na magiging sanhi ng pagbalik ng trauma ni Marikit.

Magkakasama pa bang muli sina Marikit at May? Sino naman kaya ang pipiliiin ni Marikit sa huli, si Matthew ba o si Drew?

Damang-dama ng avid viewers ang matindi at emosyonal na finale week ng Binibining Marikit. Ayon sa ilang netizens grabe at very emotional ang revelation ng kuwento at nabibilisan sila sa panahon na matatapos na ang Binibining Marikit.

Napuri rin nila na mahusay umarte sina Herlene at Pokwang at hindi raw nila namalayan na namumugto na ang mga nila sa panonood nito.

HERLENE BUDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with