^

PSN Showbiz

FU Birthday sa SanFo

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Hangga’t maaari ayaw ko magtrabaho ‘pag birthday ko. (sagrado ang June 8! unless x7 ang talent fee!) Kadalasan Japan ang destinasyon. (konnichiwa!)

Pero ngayong taon, it’s San Francisco California! (sanfo is sanfu?!)

Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagmamahal na kaibigan at kapamilya mula sa lugar na ito. (daming naharbat!) Special Mention kay Bryan Talatala at kina Tito Pab and Tita Imee Leabres para sa palaging pag-aasikaso sa’kin ‘pag nandito ako. (red carpet treatment ganyan!)

Ilang gabi bago ang birthday, rumampa kami ni Bryan sa Castro (baklaan at its finest!) kasama sina Paeng, Aaron at ang dalawang Drag Race Philippines alumni na sina John Fedellaga at Deedee Marie Holiday! ( na dinaig si Taylor Swift sa make-up!)

Sa aking mismong special day, nagpaandar ang kaibigang si James sa Domaine Carneros sa Napa. (feeling sosyal sa pa-wine tasting ha!) Pumunta rin kami sa Francis Ford Coppola Winery. (hindi andrew ford medina o xander ford ha!) Maliban sa masarap na food at wine, nandito ang memorabilia ng mga ginamit sa mga pelikula ni Director FF Coppola, kabilang dyan ang mga props sa kanyang The Godfather series. (ako ang the fairy godmother!)

Highlight ng aking selebrasyon ay ang makasama ang aking mother dear na naka-base na sa Amerika. Simpleng Hot Pot dinner pero pinakamahalagang pagkakataon. (ako na ang hot sa bday ko!)

Thank you kay God at sa Universe para sa divine blessings! (lakas maka-divine diva! ) Maraming salamat sa lahat ng bumati at nagpadala ng regalo. (open pa ang aking tanggapan!) Cheers to healthy, abundant and meaningful life! Love and light sa ating lahat! (may pa-meaning talaga?!)

 

 

(Youtube/FB: WTFu. Instagram/Twitter/Tiktok: @mrfu_mayganon. Patreon: www.patreon.com/wtfu.

Website: www.channelfu.com

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with