Charo Santos, mapapanood sa GMA

Maglalaro sa Family Feud ang cast ng upcoming movie na Only We Know na pinagbibidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang Ryan at ang showbiz icon na si Charo Santos-Concio bilang Betty.
Pangungunahan ni Charo ang Team Betty kasama ang veteran actors na sina Al Tantay, Joel Saracho, at Soliman Cruz. Makakaharap nila ang Team Ryan kasama sina Max Collins, Johnny Revilla, Rafa Reyna, at Gil Cuerva.
Sino kaya sa kanila ang mananalo? Tutukan ang Family Feud sa Lunes (June 9), 5:40 p.m. sa GMA 7. Samantala, abangan din ang Only We Know in cinemas nationwide simula June 11!
- Latest





















