DZMM, nag-take over na sa PM

Ahh makikilala na pala ang DWPM Radyo 630 bilang DZMM Radyo Patrol 630 matapos magdesisyon ang Philippine CollectiveMedia Corporation na gamitin ang naturang call sign umpisa noong Mayo 29, 8 p.m.
Kasabay nito, inanunsyo rin ng Media Serbisyo Production Corp., na siyang gumagawa ng mga programa para sa DZMM Radyo Patrol 630, na baguhin din ang pangalan ng Teleradyo Serbisyo bilang DZMM Teleradyo.
Dahil dito, muling mapakikinggan sa radyo ang nakasanayan ninyong pagbabalita sa DZMM bilang maaasahang himpilan na Una sa Balita, Una Sa Public Service.
Kabilang sa 24/7 programming line-up ng DZMM Radyo Patrol 630 sina Noli De Castro, Charo Santos, Doris Bigornia, Alvin Elchico, at iba pang batikang personalidad sa radyo.
Muling tutukan ang DZMM Radyo Patrol 630 sa 630 khz sa AM radio sa Metro Manila, at subaybayan ang DZMM TeleRadyo sa cable at satellite TV.
- Latest



















