^

PSN Showbiz

Emilio,na-starstruck kay Kathryn

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Emilio,na-starstruck kay Kathryn
Emilio Daez.
STAR/ File

Malaki ang pasasalamat ni Emilio Daez sa nakatatandang kapatid na si Mikael Daez dahil sa suportang ibinibigay ng kanyang kuya. Nakagabay umano si Mikael mula nang sumabak si Emilio sa show business. “My brother has always been my number one supporter. Kung wala siya ay wala din ako sa showbiz. So a big, big, big thank you to Mikael and Megan (Young, asawa ni Mikael). You, guys, are my rock. I really appreciate you, guys,” bungad ni Emilio sa Push ng ABS-CBN.

Ayon sa dating Pinoy Big Brother housemate ay maraming payo ang kanyang kuya tungkol sa trabaho. “He said that number one talaga is be nice to everyone. Kahit sino ma-meet mo, kahit sino kausap mo, maging mabait ka. And bawal ma-late,” pagbabahagi ng binata.

Mayroong dalawang aktres na talagang nagagandahan umano si Emilio. Bukod sa show business ay mayroong ding isang maganda para sa baguhang aktor sa larangan ng sports. “Liza Soberano and Kathryn Bernardo, ako kasi nagagandahan lang ako sa kanilang dalawa. Nakita ko na si Kathryn, medyo na-starstruck ako sa kanya. Pero si Liza hindi ko pa nakikita sa personal. Sa volleyball, isa-shoutout ko na lang ‘yung kaibigan ko, si Vanie Gandler. She’s my good friend from high school. I hope I make her proud,” nakangiting pahayag ng aktor.

Simula noong isang taon ay napapanood na si Emilio bilang host sa iWant ASAP. Matatandaang ang duo nina Emilio at Michael Sager na MiLi ang huling evictees noong isang linggo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Mapapanood na rin sa susunod na buwan ang iWantTFC series na Love at First Spike na pinagbibidahan ng baguhang aktor.

Jodi, isinabit sa construction site

Marami nang karakter ang mga nagampanan ni Jodi Sta. Maria sa iba’t ibang proyekto sa loob ng dalawampu’t pitong taon. Maraming parangal na rin ang nakamtan ng aktres dahil sa angking husay sa pag-arte. Ayon kay Jodi ay talagang pinaghahandaan niya ang bawat proyekto na kanyang ginagawa. “Naniniwala ako lahat ng ‘yan, sikreto diyan ay nasa preparation. You can’t be too technical ‘pag nando’n ka na sa eksena. Hindi ka pwedneg masyadong logical or dapat ito ang gawin ko. Nagiging kalkulado ka, kasi nangyayari, ina-anticipate mo ‘yung sitwasyon, ‘yung eksena, ‘yung ibabato ng kaeksena mo. So ‘yung pagiging organic or ‘yung pagiging raw ng pag-atake mo nawawala,” paliwanag sa amin ni Jodi sa Fast Talk with Boy Abunda.

Napapanood na ngayon sa mga sinehan ang pelikulang Untold na pinagbibidahan ng premyadong aktres. Para kay Jodi ay malaki ang pagkakaiba sa istilo ng pag-arte sa drama at horror. “Sobrang magkaiba, Tito Boy. Siguro kung may pagkakapareho siyempre gumagamit ka pa rin naman ng totoong emosyon mo eh. Siguro ang pinagkaiba lang ng drama sa horror, siguro mas marami lang sigaw talaga sa horror. And mas physically taxing siya, Tito Boy,” paglalahad niya.

Naranasan umanong maisabit si Jodi nang mataas sa isang construction site dahil sa isang eksenang ginawa sa naturang psychological-thriller film. Ang akala raw ng aktres ay magkakaroon siya ng ka-double upang gawin ang delikadong eksena. “Sinabit-sabit nila ako. Sabi kasi ni direk (Derick Cabrido) may double ako eh. Sabi niya, ‘Huwag kang mag-alala, may double ka.’ Pagdating ko do’n, ‘I-harness na siya.’ ‘‘Yung double, saan po ‘yung double?’ ‘Hindi, wala, ikaw ang gagawa.’ ‘Direk, ‘di ba sabi mo may double?’ ‘Sige po, pakikabit na ‘yung harness,’ ibibitin ka na nila,” natatawang kwento ng premyadong aktres.

(Reports from JCC)

ABS-CBN

PUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with