^

PSN Showbiz

Bimby, tinawag na ate ang first GF!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bimby, tinawag na ate ang first GF!
Bimby at Erin.
STAR/ File

Puro positibo ang komento ng mga nakapanood sa anak ni Kris Aquino na si Bimby sa vlog ng anak ni Ogie Diaz na si Erin.

Naging boyfriend for a day si Bimby kay Erin kaya sa buong vlog ipinakita nila ang kanilang naging date sa Disneyland sa California.

Aksidente pa ngang natatawag ng 17-year-old na si Bimby na ate ang anak ni Ogie at dahil nga nagpapanggap silang magjowa ay sinabi nitong “Honey na lang.”

Hindi nga tumitigil si Bimby sa pagpuri sa kanyang ‘first girlfriend’ na nanggaling sa ‘good family’ pa raw.

Makikita sa vlog na sinubukan nila ang iba’t ibang rides sa theme park at nakaalalay ito lagi kay Erin.

Puring-puri nga si Bimby na napaka-gentleman daw at ngayon lamang ito nakita ng netizens bilang isang normal teenager. Ang sweet at nice raw nito at matalino pa kaya pinuri nila si Kris na maganda ang pagpapalaki nito sa anak.

Isa pang napansin sa kanya ay diretso ang Tagalog nito at hindi raw gaya ng ibang anak ng artista na may accent pa ang Tagalog kahit legit alta pa raw ito.

Napaka-humble at down to earth daw talaga nito.

Nasasaktan pa nga raw ang ibang netizen sa mga kumukuwestyon sa gender nito dahil napaka-responsible raw nito na inaalagaan ang nanay at kapatid nitong si Joshua na hindi madali para sa isang teenager.

Kaya siguradong suwerte raw ang magiging karelasyon nito.

Good vibes daw talaga ang vlog nang mapanood ng netizens at nakangiti raw ang mga ito habang pinapanood ang dalawa.

BIMBY

ERIN

KRIS

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with