^

PSN Showbiz

Albie, ‘di nakiramay kay Jaclyn!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Albie, �di nakiramay kay Jaclyn!
Albie Casiño.
STAR/ File

Gustong subukan ni Albie Casiño ang lahat ng roles na may challenge kaya isa sa dahilan kung bakit tinanggap niya ang Vivamax movie na Kasalo.

Mga baguhan ang nakaeksena ni Albie sa daring scenes. Inilabas ng aktor ang pagiging barako niya sa sexy film.

Sa mediacon ng Kasalo, nangahas kaming tanungin si Albie kung nakiramay siya sa pagkamatay ni Jaclyn Jose. “I respect Tita Jane and may she rest in peace,” unang sabi ni Albie.

Sinundan na niya ito, “Bakit ako makikiramay? Hindi naman ako kailangan doon!”

O, walang kokontra dahil si Albie talaga ang nagsabi niyan, huh!

Siyang-siya talaga!

Si Albie ang ex ni Andi Eigenmann na maala­lang naunang sinabi na ama ng panganay ni Andi pero hindi pala.

TV host-actress sinusuka, wala nang gustong makipagtrabaho

Inaayawan na at halos isinusuka pa ng workers sa film and TV industry ang maangas na TV host-actress kapag nalaman nilang ito ang makakatrabaho nila!

Maarte, daming demands at feeling high and mighty ang TV host kapag nasa set na, huh!

Sa simula, maayos naman siya pero habang lumalakad ang oras, unti-unti nang lumalabas ang kasungitan hanggang sa magkaroon na siya ng sungay!

Kaya kung mapapansin, wala na itong TV o movie project. Nahihirapan daw kasi kumuha ng production staff ng sinumang makakasama sa project niya. Ubos na raw yata ang haba ng pasensiya ng nakatrabaho na niya dati na memorized na ang ugali, huh!

Kahit mayaman na ang TV host-actress, kailangan pa rin niyang maging relevant sa TV at movies nang sa gayun, ma-maintain niya ang popularidad, huh!

vuukle comment

ALBIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with