^

PSN Showbiz

Gabby, nagdi-demand na una sa billing?!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Gabby, nagdi-demand na una sa billing?!
Gabby at Boyet
STAR/File

MANILA, Philippines — May nag­reklamo sa billing ng concert nina Gabby Concepcion at Christopher de Leon.

Bakit daw mas nauna ang pangalan ni Gabby sa pangalan ni Christopher, mas sikat naman daw si Boyet than Gabby.

Sa Instagram post ni Boyet, pinagtabi niya ang dalawang magkaibang poster dahil ang isang poster, pangalan ni Gabby ang nauna. Sa isa pang poster, pangalan naman ni Boyet ang kasunod ng pangalan ni Gabby.

Maganda ito, different posters and different billings para wala nang magreklamo.

May nag-akusa pa kay Gabby na feeling international singer at nagde-demand na laging mauuna ang name niya sa billing.

Siguro naman alam ng mga manager nila ang billing ng dalawa sa poster, kaya walang nagreklamo sa kanila.

Ang haters lang naman ni Gabby ang nagreklamo.

Anyway, sa March 8, 2024 na ang kanilang concert sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World.

Rhian, parang misis na ni Sam

Nag-guest co-host si Rhian Ramos sa Dear SV show ng boyfriend niyang si Sam Verzosa na umere last Saturday.

Si Rhian bale ang nag-host at tinawag niyang “take over” ang pabiro niyang tawag sa ginawa.

Bukod sa mahusay na pagho-host niya, mas pinansin ng viewers at fans na rin niya ang suot niyang hairpin at necklace na parehong may initial na “SV.”

Ang cute ng hairpin, lalo na ang necklace. Ang biro sa kanya, wala na siyang kawala kay Sam at kung puwede raw ay magpakasal na sila.

Hindi naman daw siya patitigilin ni Sam sa showbiz kahit kasal na sila dahil alam nitong mahal niya ang kanyang showbiz career.

Gusto ng fans nila na makita na ang kanilang magiging mga anak, kaya pini-pressure silang magpakasal na ng fans.

Carla, magbebenta na rin ng sabon!

Back to soap making si Carla Abellana at sa ibinalitang “I will be offering my soaps for sale very soon,” marami ang natuwa.

Noon pa nagre-request ang fans at followers niya sa social media na ibenta niya ang mga ginagawa niyang soap.

Ano kaya ang ipapa­ngalan niya sa handcrafted soap na ginagawa niya?

Ang gaganda ng soap at pati color combination, para ngang cake at dessert ang dating nito.

Ang maganda pa, alcohol-free, Paraben-free, Palm oil-free, Mineral oil-free at Phthalate-free ang mga gawa niyang sabon.

Samantala, pinatunayan niya na mahusay rin siyang kontrabida sa Stolen Life, kuha niya ang inis at galit ng viewers sa kanyang karakter. Gusto ng fans ng aktres na kontrabida rin ang role niya sa Widows’ War nila ni Bea Alonzo. Ituloy na raw niya ang pagiging bad girl dahil keri niya.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with