^

PSN Showbiz

Aktres, wagas mag-shopping

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nagulat kami sa kuwento ng isang kaibigang nakita raw niya ang post ng isang sikat na female celebrity kung paano magwaldas ng kadatungan para lang sa mga mamahaling bag at ibang gamit.

Iba raw ang social media account nito na hindi alam ng karamihan. Iilang close friends at pamilya raw ang nakapag-follow sa kanya sa account na ito dahil naka-private ito.

Ibang-iba raw ito sa mga ipinu-post niya na pina-follow ng milyun-milyon niyang supporters.

Nakakalula raw ang mga gamit na binibili niya.
Updated daw sa mga mamahaling bag na hindi lang 6 figures ang halaga kundi higit pa roon.
May koneksyon si female celebrity sa isang kilala ring public servant.

Kung makita ng publiko itong mga ipinu-post niyang mamahaling bags, hindi maganda ang dating dahil nasa public service ang pamilya. Kaya sana mag-ingat ingat daw ito.

Weakness kasi ng female celebrity na ito ang mga mamahaling bag, kaya talaga raw doon napupunta ang karamihang kinikita niya.

Pinaghirapan naman ni female celebrity ang pinambili niya nito at sure namin na hindi galing sa kaban ng bayan. Pero iba ang pagkakilala sa kanya, dahil ang simple lang ng dating niya sa publiko.

Aya, nagpaampon kay Iza!

Very promising itong si Aya Fernandez na talent ng Star Magic.

Si Aya ang main host ng bagong entertainment show sa Facebook at YouTube ng Glitter channel.

Sa nakaraang mediacon nito kasama ang direktor nilang si Perry Escano, nakitaan namin ng galing at talino si Aya sa pagsasalita.

Kayang-kaya niyang mag-host dahil dumaan din naman siya sa training ng Star Magic at close sa kanya sina Iza Calzado at Robi Domingo.
Idol niya si Toni Gonzaga na isa sa talagang iniidolo niya pagdating sa hosting.

Showbiz-oriented talk show itong bagong show nilang magsisimula na sa Dec. 3 at sinasabi namin sa kanila, online show ito, mabilis ang feedback na ipaparating sa kanila kaya tiyak na tambak ang basher.

Paano ito paghandaan ni Aya?

“I’m very blessed to be mentored by the right people. I cannot mention them. Pero para na po akong ampon ni Ate Iza (Calzado). Lagi ko po siyang dyinu-joke, sabi ko, ‘beneficiary ako ng Iza Calzado feeding program.’

“Lagi po akong pinapakain nu’n. And they always tell me si Ate Iza, and of course si Robi (Domingo), lagi nilang tinuturo sa akin na kailangang kong matutunan kung sino ‘yung papakinggan. Hindi kasi puwede ‘yung sabihin mo lang palagi na ‘haters gonna hate’ or like ‘you cannot please everyone.’ Totoo naman. There’s truth to that. But, if it is a criticism for your improvement, then listen,” pahayag ni Aya.

Naging bida na rin siya sa Cinemalaya film na Rookie kasama ang nag-best actress doon na si Pat Tingjuy.

Siya rin ang ka-partner ni Paolo Contis sa pelikulang ginagawa nito ngayon sa Mavx Productions na Dear Satan. Bilib si Paolo kay Aya, dahil magaling daw ito at matalino, at sobrang tuwa ni Aya nang nakarating sa kanya ang mga puri ni Paolo.

Paolo, ayaw magkaroon ng malisya kay Arra

Umalis pala kahapon ang buong grupo ng Eat Bulaga sa Dapitan City para i-celebrate doon birthday ng chairman ng TAPE, Inc. na si Mr. Romeo Jalosjos.

Hindi ako sure kung sumama si Yen Santos dahil gusto sana niyang isama para matigil na ang malisyosong isyu sa kanila ni Arra San Agustin.

Sinagot naman ni Paolo kay Kuya Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda ang isyung ‘yun na in-edit lang yung mga video nila sa Eat Bulaga para magmukhang may namamagitan sa kanila.

Sabi ni Paolo, talagang close raw silang lahat at parang kuya na siya ng grupo. Kaya hindi nga naman magandang haluan ng malisya ang closeness nilang lahat.

Magkakaroon ng show ang buong Eat Bulaga para sa kaarawan ni Mr. Jalosjos kahapon.

Pero balak nilang mag-Eat Bulaga rin doon. Iikutin daw nina Paolo at Isko Moreno ang ilang bahagi ng Mindanao, para doon mag-G sa Gedli raw sila.

vuukle comment

ARRA

AYA

IZA

PAOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with