^

PSN Showbiz

Mikoy, may trauma kay Jaclyn!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mikoy, may trauma kay Jaclyn!
Mikoy Morales at Jaclyn Jose

Nilantad ni Mikoy Morales sa programang Fast Talk with Boy Abunda na nagkaroon pala siya ng conflict kay Jaclyn Jose.

Hindi na dinetalye ng aktor kung tungkol saan ito pero nakuwento niya ang nangyari.

Nangyayari raw ito sa trabaho pero hindi raw ito dahil sa trabaho. Madalas daw itong mangyari pero pinersonal lang daw niya ito.

Nagbigay raw ito kumbaga ng peklat sa kanya na hindi raw siya komportable na makita ito sa set at nagkaka-anxiety siya ‘pag nalamang nasa iisang lugar sila.

Kuwento nito, “It’s something like that, which kinda scarred me to the point na I would get anxious when I would think of stepping in a set with her there.”

Hanggang ngayon ay hindi pa raw ito naaayos at nagkaroon pa raw ng pagkakataon kung saan talagang tumanggi siyang batiin ito nang makita nila nito ng kaibigang aktres na si Mikee Quintos sa mall at umiwas na lang siya.

Mas pinili na lang daw niyang umikot sa buong floor kesa batiin ito.

Ano nga kaya ang nangyari sa kanila bakit ganon na lang ang pag-iwas ng Maging Sino Ka Man actor sa nanay ni Andi Eigenmann?

Nakakalungkot naman dahil mukhang hindi lang ito maliit na bagay kaya pinersonal ng aktor.

Maliit lang ang showbiz at ‘di talaga maiiwasang magkakasalubong sila.

Ano kaya ang masasabi ni Jaclyn tungkol dito at aware kaya siya na may trauma sa kanya ang Kapuso actor?

vuukle comment

JACLYN JOSE

MIKOY MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with