^

PSN Showbiz

Lovi, sabik sa Panagbenga festival

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lovi, sabik sa Panagbenga festival
Lovi Poe

Alam mo, Ateng Salve, naaliw ako sa Supreme Actress na si Lovi Poe nang magkita kami sa contract signing niya for Eevor Skin Care Depot na kilala sa market as SCD.

Bukas kasi (Sunday), nasa Baguio City siya at first time na magdyu-join sa Panagbenga Festival kung saan may float ang skincare products na bago niyang ine-endorse.

Sey nga ni Lovi (na kinikilig), “I’m so excited kasi first time ko na magdyu-join ng Panagbenga Festival at sasakay ako sa float!”

Sobrang exciting daw ‘yon dahil nalaman ni Lovi from the CEO ng Eevor Skin Care (SCD) na si Ms. Grace Mangulabnan-Angeles na after three years, ngayon lang uli magkakaroon ng Panagbenga Festival dahil nga sa COVID-19 pandemic.

Eh, marami raw talagang nag-aabang sa festival na ‘yon, kaya naisipan din ni Ms. Grace na maganda na first event ‘yon ni Lovi bilang ambassador ng kanilang skincare products.

May taping today si Lovi ng Batang Quiapo nila ni Coco Martin, pero before midnight ay matatapos na raw siya at didiretso na ng Baguio City dahil magsisimula ang parade ng 8:00 a.m. sa DILG/Casa Vallejo at magtatapos ‘yon sa Melvin Jones Grandstand & Football Grounds bago magtanghali.

So, sa sasakyan na lang daw matutulog si Lovi pa-Baguio, pero nothing to worry naman ang Supreme Actress dahil gamit niya ang skincare products ng SCD dahil fresh pa rin siya sa parada bukas, huh!

Bongga!

Bagong panganak na aktres at komedyante na dating magkaaway, nagbigayan
ng gatas

Nakaka-good vibes lang, Ateng Salve, ang chika sa akin ng isang comedienne na malapit sa isang aktres na nanganak lang kamakailan.

BFF na kasi uli ang dalawa kahit some years back ay nagkaroon sila ng away at talagang may tarayan, huh!

Sey ni comedienne na kapapanganak din lang like ang BFF niyang aktres, “Nag-donate ako ng milk (gatas mismo niya) sa baby ni _______ (name ni aktres). Kasi ‘di ba, noong una, may sakit ‘yung baby niya (pero okey na naman) at wala siyang milk, kaya nag bigay ako. Siyempre, ganoon ang magkakaibigan.

“I’m so glad nga at nagkaayos kami after ng mga naging problema namin noon at sobrang close na naman kami!”

So nice... ‘Yun na!

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with