^

PSN Showbiz

Ex-beauty queen, nililihim ang yaman?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Noon pa natsitsismis na may bahay sa bandang San Juan ang isang ex-beauty queen na pinasok ang pag-aartista.

Bongga raw ang bahay na ‘yon.

May chika rin na may dalawa siyang units sa isang posh condominium sa lugar na ‘yon, pero mismong mga malalapit sa kanya ay nagtataka sa chikang ‘yon.

Sabi ng isang kakilala ni girl, may bahay raw talaga ang kaibigan sa isang posh village sa Quezon City, pero hindi raw kay girl ‘yon.

Inuupahan lang daw ‘yon ni former beauty queen, huh!

Kung totoo raw na napakayaman na ng friend nila ay dapat aware sila sa bagay na ‘yon.

Hindi kaya malihim lang si former beauty queen sa kanyang mga kaibigan?

Well...

Jane, bongga ang endorsements kahit ninega sa paglipad!

Naku, Ateng Salve, feeling ko ay tumataas na lang ang kilay ng mga taong nagpapatakbo sa career ni Jane de Leon dahil kahit may mga nang-intrigang hindi kalakasan ang ABS-CBN fantaserye na pinagbidahan niya, ang Darna, aba, marami naman siyang endorsements, huh!

Actually, ibang talent manager pa nga ang nagkuwento sa akin na ang alam niya, tatlo ang new endorsements ni Jane.

Aba, bongga!

Anyway, ano kaya ang next project ni Jane sa Kapamilya Network? Marami raw shows ngayon ang ABS-CBN na naka-line-up, hindi lang pang-TV kundi pang-streaming din.

Sa rami ng platforms ngayon ng ABS-CBN, aba, hindi lang sila sa free TV (sa pamamagitan ng TV5 at A2Z) busy. Abalang-abala rin sila sa paghahanda ng contents para sa ilang streaming apps.

So bongga!

Ogie at Ian, ‘di pinagdamutan ang fans

‘Katuwa lang ang ilang friend ko sa Geneva, Switzerland dahil puring-puri nila ang titos na sina Ogie Alcasid at Ian Veneracion.

Noong weekend ay nag-KilaboTitos concert sa Geneva ang dalawa at may Zurch concert din sila.

Sabi ng mga kaibigan ko, sobrang ga­ling na nina Ogie at Ian, sobrang babait pa. Hindi raw tumatanggi ang dalawa sa mga nagpapa-picture sa kanila.

Kahit ‘yung mga Pinoy na nakakasalubong lang sila habang namamasyal, pinagbibigyan nila kapag gustong magpa-picture.

Sabi nga ng isang friend namin, makakaulit daw sina Ogie at Ian sa pagsu-show sa Switzerland dahil natuwa sa kanila ang mga kababayan natin doon.

Knowing Ogie and Ian naman, talaga namang mabait sila at mapagbigay sa fans, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

WEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with