^

PSN Showbiz

Sarah, hinihiritang sumali sa beauty pageant!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Sarah, hinihiritang sumali sa beauty pageant!
Sarah Lahbati

Alam mo ba, Ateng Salve, may mga nangungulit kay Richard Gutierrez na pasalihin sa beauty pageant ang misis niyang si Sarah Lahbati.

Nag-iiba na kasi ang rules and regulations ngayon sa mga beauty pageant at may ibang puwede na ang may asawa’t mga anak.
Sabi naman ni Richard, mukhang interesting din ‘yon at pag-uusapan nilang mag-asawa.

“Go ako riyan. Tatanungin ko si Sarah,” sey ng bida ng The Iron Heart action-drama series ng ABS-CBN.

Tama rin naman si Richard na kahit na-excite siya sa suggestion na sumali sa beauty pageant ang kanyang misis ay si Sarah pa rin naman ang dapat na magdesisyon tungkol doon, huh!

Sen. jinggoy, star-studded ang 60th birthday celeb

In fairness, mukhang star-studded naman ang 60th birthday party ni Senator Jinggoy Estrada na ginanap kagabi sa Solaire Tent.

Ilang mga sikat na artista rin kasi ang nagkuwentong papunta sila kagabi.

Ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez, pumunta rin. Kasama rin nila si Raymond Gutierrez.

Oo nga pala, obvious na marami ang nagmamahal kay Jinggoy dahil napuno ang social media kahapon ng mga pagbati sa kanyang kaarawan.

Senior citizen na rin Jinggoy, pero mukhang nasa early 50s pa lang siya, huh!

Ogie at Ian, magba-bonding sa europe

Ang bonding ng mag-“brother” na sina Ogie Alcasid at Ian Veneracion sa Geneva, Switzerland.

May KilaboTitos concert sila sa Geneva at Zurich.

Bukod sa pagsu-show sa dalawang lugar na ‘yon, excited sila sa magiging bonding nila sa Europe.

Marami silang mga lugar na binabalak pasyalan at pareho silang excited.

Kakaiba rin kasi ang friendship ng dalawa. Hindi nga ba at nauwi pa ‘yon sa pagma-manage ni Ogie sa career ni Ian.

Si Ian mismo ang nagsasabing sobrang laki ng tiwala niya sa mister ni Regine Velasquez-Alcasid bilang manager.

‘Yun na!

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with