^

PSN Showbiz

Kahit hindi mahilig sa mga luxury items...

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Big star na ulit!

Excited ako sa lunch chikahan natin nina Pat-P Daza at Cris Roque ng Kamiseta, Salve at Gorgy. Kasi nga maraming mga nangyari na puwedeng pag-usapan natin lately, pati na ang resulta ng nakaraang filmfest.

Nagulat ang lahat na winner talaga si Nadine Lustre – best actress at box-office star ng festival. Kaya’t isa nang VIP star na maituturing si Nadine.

Sabagay, very talented at malakas ang appeal ni Nadine kaya naman talagang karapat-dapat siyang malagay ulit bilang isa sa important stars sa ngayon.

Sayang nga at hindi gaanong busy ang showbiz, kundi tiyak na left and right ang ginagawa ni Nadine.

Samantalang hindi pa katulad si Nadine ng ibang celebrity natin na laging ayos na ayos tuwing lalabas sa social.

Napansin ko hindi rin siya gaanong mahilig sa mga luxury item.

‘Yun tipong mula ulo hanggang paa, may brand ang suot.

Very island girl ang peg niya bilang naka-base nga sa Siargao ang kanyang boyfriend.

Hindi rin maarte at hindi nagwawala ‘pag pinapansin sa social media tulad nung pinintasan siya na hindi na siya mukhang celebrity dahil sa sobrang babad sa dagat.

Kung sumagot man siya simple lang at parang tatanggapin mo lang.

Suwerte si Nadine dahil maganda ang 2023 para sa showbiz dahil sa lakas ng resulta ng filmfest.

vuukle comment

PAT-P DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with