^

PSN Showbiz

Enzo at Michelle, nagsosyo sa negosyo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Enzo at Michelle, nagsosyo sa negosyo
Michelle Vito at Enzo Pineda

Mahigit dalawang taon nang magkasintahan sina Michelle Vito at Enzo Pineda. Matatandaang magkasamang nagbakasyon sa Paris ang dalawa ilang buwan na ang nakalilipas. Nagkaroon ng mga ispekulasyon na posibleng nag-propose na umano ng kasal ang aktor sa dalaga noon. “Actually, hindi naman namin naisip but yes, it was a romantic travel destination. It was also our first time to travel with my family. So ibang experience I have to admit. Baka may inisip ‘yung mga ibang tao, pero for us it’s just really the experience. Paris is a romantic place to be. Kahit anong sabihin n’yo, kung magpo-propose or anything, ang dami nang iniisip ng tao. But it’s just a sweet and romantic trip. But hopefully, siguro I guess in a few years. Kami naman ni Michelle we’re just focusing now on our career. We’re focusing also on our business,” paglilinaw ni Enzo.

Magkasosyo sina Enzo at Michelle ngayon sa isang health and wellness company. Para sa aktor ay kailangang paghandaan nila ang kinabukasan bago pa man magpakasal. “Para pagdating ng panahon, ‘pag ready na kami, hindi na namin iisipin ‘yung mga iba-ibang bagay na bahay, saan titira, paano ‘yung mga magulang namin. So dapat at least naka-set na lahat before everything else,” giit ng aktor.

Ayon kay Enzo ay parehong hilig nila ng aktres ang mga serbisyo at produkto ng kanilang bagong negosyo. “We got the idea dahil mahilig kami mag-workout at mag-gym. So we just really wanted to have a new business that we can be proud of and that may mga products kami na we would personally endorse na magiging proud kami. So we want to be ahead na kahit paano, if hindi nag-work ‘yung passion namin which is acting, meron kaming fallback. So ‘yung mga glutathione, doon kami nagpo-focus ngayon. Hopefully we get to promote so sana lumago siya. Kami ni Michelle medyo health buffs kami eh. So we really want to produce products that are cheap and effective. We really want to give quality products na makakatulong talaga sa mga tao. Let’s say ako mga whey protein tapos si Michelle mga glutathione, collagen drink. Ang timeline namin actually next year pa,” pagbabahagi ng binata.

Loisa at Ronnie, tumibay ang relasyon sa pandemya

Masaya ang relasyon nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa loob ng anim na taon. Ayon sa magkasintahan ay talagang magkasundung-magkasundo sila sa lahat ng bagay kaya maayos ang kanilang samahan. “Para sa akin kay Ronnie, ‘yung pagsasama namin siguro hindi kami nagsasawa at saka ready kami mag-explore parehas din kaya ‘yon siguro ‘yung the best sa relationship namin. Saka kay Ronnie, hindi siya ‘yung parang KJ. The best ‘yon para sa akin. ‘Yung pandemic din ‘yung nagpa-strong ng relationship namin. Kasi sa pandemic grabe ‘yung pinagdaanan ng bawat isa talaga. Sobra siyang nakatulong sa akin at that time din. Sabay din kaming naggo-grow. ‘Yon ‘yung maganda,” paglalahad ni Loisa.

Para kay Ronnie ay normal din paminsan-minsan na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sinisiguro ng magkasintahan na agad nilang naaayos ang gusot sa tuwing mag-aaway sila. “Araw-araw kaming in love sa isa’t isa. Nag-aaway pa din, wala namang perfect na relationship. So nag-aaway kami pero ang kagandahan sa amin, ‘pag magkaaway kami sa sasakyan, hindi kami bababa dito hanggang hindi kami okay, dapat laging pinag-uusapan. Same sa trabaho, before kami mag-take at medyo nag-away kami ng konti, kailangan ayusin muna namin bago kami lumabas. Ayaw namin na maapektuhan ‘yung mga ibang tao, ” nakangiting pahayag ni Ronnie.

Malaki rin ang naitutulong nang hindi pagpo-post sa social media tungkol sa kanilang relasyon ayon sa magkasintahan. “Ang pino-post lang namin sa social media, kung hindi mag-a-update kami sa mga fans or promotion ng ganap namin or endorsement. The rest, wala na. Kasi ayaw namin ng toxic na tao sa paligid,” paliwanag ng aktor.

“Hindi ko rin makakalimutan ‘yung sabi ni Ate Toni (Gonzaga) na may nabasa din siyang post ni Ed Sheeran. ‘Yung caption na ‘yung mga tao ‘pag lagi mong pino-post ‘yung life mo personal, wala silang ibang ginagawa kundi sirain ‘yung mga magaganda. So kami ni Ronnie, pili na lang ‘yung dapat naming i-share. Hindi lahat dapat sini-share kasi kahit maganda, lahat naman ng tao may masasabi so better na low-key na lang,” dagdag naman ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

MICHELLE VITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with