^

PSN Showbiz

Maraming artista, ‘di na nararamdaman!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Gusto kong itanong kung nasaan ang ibang artista na parang hindi ko nakikita lately sa TV? Ano na ba ang ginagawa nila? Para tuloy iilan na lang ang nakikita mo na lumalabas, at ‘yung bagong stars na hindi mo kilala.

Sabagay, kahit sino na mapanood mo, ok na dahil nga wala ka namang choice na magagawa, walang show ang ibang channels. GMA 7 lang ang regular, ang ibang channels, ang palabas one show para sa three channels.

Siguro naman may fans din ‘yung stars na naghahanap sa kanila bakit hindi sila napapanood. Talagang itong pandemic ang pinaka-humb­ling experience sa showbiz, pinantay-pantay niya ang lahat. Nawala ang ranking at leveling. No more super, mega, or stars for all seasons, lahat kayo pantay na.

Maganda rin, wala nang lalaki ang ulo, walang attitude, walang pa-diva, regular na lahat. Good things and bad things. Lahat naranasan natin sa pandemic. Pray na only the good things will be left in our memories.

Bong, deboto ni Mama Mary

Kita-kita tayo sa lunch na blowout ni Cris Roque ng Kamiseta for your birthday, Salve. Sure na nandu’n sina Pat-P Daza, Leo at ako, pero si Gorgy sasama yata kay Bong Revilla sa Peñafrancia para makita si Mama Mary sa fiesta. Alam mo naman si Gorgy na laging nagke-claim na member siya ng pamilya Revilla kaya dapat sabit siya sa lakad, hah hah, joke.

Deboto kasi ni Mama Mary si Bong kaya importante sa kanya na pumunta sa Peñafrancia. Talagang pinaglaanan niya ito ng oras lalo na nga at malapit na ang birthday niya. Marami siyang dapat ipagpasalamat. arami siyang mga biyaya na madali niyang nakuha dahil sa mga dasal na ginawa niya kay Mama Mary na binigyang katuparan nito.

vuukle comment

ARTISTA

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with