^

PSN Showbiz

Anthony Taberna, ka-join na sa ALLTV

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Anthony Taberna, ka-join na sa ALLTV
AMBS CFO Maryknoll, Rossel, Anthony, AMBS Pres. Maribeth at Atty. TJ.

Nasa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) si Anthony Taberna na kilala sa kanyang wit at no-nonsense kumbaga na commentaries.

Kasama na nga siya sa bagong dagdag sa lumalaking grupo ng broadcast persona­lities sa ALLTV ng AMBS.

Pumirma si Anthony Taber­na ng contract with AMBS President Maribeth Tolentino, AMBS General Counsel Atty. TJ Mendoza, AMBS Chief Finance Officer Maryknoll Zamora na ginanap sa Mella Hotel in Las Piñas noong Sept. 6, 2022.

Sinamahan siya ng kanyang misis at Outbox Media’s top executive, Rossel Taberna.

ALLTV na nga ang AMBS.

Sinabi ni Tolentino ang high-trust rating ni Taberna bilang dahilan kung kaya’t kinuha nila ito bilang isa sa mga pioneer talent ng bagong TV network.

“We welcome Mr. Anthony Taberna to our family. Ka Tun­ying’s intelligent insights on radio and TV make him one of the trusted news personalities in the country. He gives our public interesting views, news scoops, and entertaining programs, making him fit for ALLTV,” aniya.

“Thank you po sa pamilya ng AMBS dahil pamilya n’yo na ako ngayon.  Salamat po sa tiwala ninyo sa akin. Alam ninyo, pinag-uusapan nga namin ng aking boss – ang aking misis – kung ano ang maiiambag natin sa larangan ng telebisyon… sabi niya sa akin, 48 years (old) pa lang naman ako sa January… Kumbaga ay napakamura ko pa lang po para lumisan sa larangan ng telebisyon,” pahayag niya sa ginanap sa contract signing.

Thirty years na pala si Anthony na kilala ring Ka Tunying sa broadcast industry pero nasasabik pa rin siya sa bagong partnership na ito sa ALLTV. “Ang simula po ng aking pang-40 na taon sa pamamahayag, kasama ko po ang AMBS-ALLTV,” he said.

Nanggaling sa ABS-CBN at DZRH si Ka Tunying bago siya pumirma ng kontrata sa pag-aaring network ng bilyonaryong si Mr. Manny Villar.

Walang sinasabing schedule ng launching ng ALLTV pero nauna nang pumirma ng kontrata sa kanila ang mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.

Restored classics ng Sagip Pelikula, mapapanood sa PPP

Kaisa ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), mapapanood ang ilan sa digitally restored classics ng Sagip Pelikula sa ika-anim na edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino sa Trinoma Cinema 6, tampok ang mga pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos (Setyembre 9, 7 p.m.), Cain at Abel (Setyembre 14, 5 p.m.), at Karnal  (Set­yembre 15, 7 p.m.).

vuukle comment

AMBS

ANTHONY TABERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with