^

PSN Showbiz

Nanette Medved, mas mukhang bata pa kay Bea?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nanette Medved, mas mukhang bata pa kay Bea?!
Nanette Medved.

Natawa kami sa reaction ng isang nakakita sa mga photos na lumabas nina Nanette Medved at Bea Alonzo. Nakakatawa na sabihing mas mukhang bata at sosyal ni Nanette kesa kay Bea.

Imagine mo na dalawa na ang anak ni Nanette, samantalang malapit pa lang mag-menopause si Bea pero mas mukha na siyang matanda kesa sa mas matanda at may anak nang si Nanette.

Dapat talaga ingatan ni Bea Alonzo ang kanyang looks, at physical appearance kasi nga dahil na-ghosting siya ni Gerald Anderson, medyo bawas ito sa premium niya bilang babae.

Laging nandu’n iyon, ‘bakit na-ghosting? may kulang ba?’ Kaya dapat malaking hamon sa Team Bea ang image build up, ang projection para mabura sa tao ang isip na iyon.

Madaling maging maayos iyan, konting isip-isip lang ng team niya. Para naman mabalik sa dati ang ningning ng career niya, hindi ‘yung mukha nang bituin walang ningning, o kaya babae na-ghosting ang lagi mong maiisip ‘pag nakita ang Bea.

Work na agad, Team Bea, puwede pa iyang maayos. Konti lang image ayuda, puwede pa uli mag-shine ang Bea.

Sana makatulong si Alden Richards sa kanya. Hindi ‘yung mukha silang mag-Tita, nawawala tuloy ang kilig.

Heart, mukha nang Parisian

Ibang-iba talaga ang dating ng aura ni Heart Evangelista ‘pag rumarampa. May expensive look at flair siya na wala sa ibang artista.

Iyon bang bagay na bagay sa kanya ang signature gowns, bag at shoes na nabibigyan niya talaga ng justice.

‘Yung ibang stars kailangan pa talagang sabihin na branded ang suot dahil mukha lang ordinary. Iyon ang meron si Heart na wala sa ibang stars, ang aura of confidence.

Kaya naman tingnan mo ang photos niya sa Paris, mukha siya talagang taga-roon, isang Parisian, bagay na bagay sa paligid niya.

vuukle comment

NANETTE MEDVED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with