^

PSN Showbiz

Lucy, nakaka-inspire

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Lucy, nakaka-inspire
Lucy Torres.

Problema ko ngayon ‘yung ang tagal kong buma­ngon ‘pag umaga.

Talagang tamad-tamaran school of acting ang drama ko, unlike before na 6 a.m. pa lang, energetic na ako. Dahil na rin siguro sa edad talagang nandu’n na ‘yung lazy attitude ko.

Kaya nga now late akong nag-deadline kasi nga tanghali na ako nakakagawa ng kolum at IG post dahil mabagal na rin ang reflexes ko.

Buti na lang inspiration sa akin na follower pala natin Salve si Lucy Torres sabi ni Gorgy Rula kaya kahit lazy bone ako, feel ko pa ring gumawa post para sa Instagram.

Iba rin kasi ang enjoyment ko ‘pag may nagsabi na binabasa niya ang mga posting natin, saka siyempre favorite ko ang Pilipino Star NGAYON at Pang Masa dapat professional ako noh! Kahit tinatamad, sulat pa rin ako.

Mga dadalo sa inauguration ni BBM, inaabangan ang outfit

Excited na lahat sa inauguration ni Pres. elect Bongbong Marcos bilang bago nating Presidente. Hulaan nga kung sino ang stars na invited sa ceremony at sa dinner party after.

Excited lahat dahil parang energetic naman ang bagong administration, pati mga bagong cabinet members mas marami ang medyo bata-bata pa kaya parang energetic ang vibes.

Hulaan nga kung sino ang designer para sa mga isusuot nina BBM at Liza Marcos.

At huwag kalimutan na nandiyan pa si Madam Imelda Marcos at ang famous terno niya.

Talagang awaited ang event na ito dahil talagang exciting na after six years heto at meron tayong bagong leaders.

Lahat nagwi-wish for a better governance and outcome dahil nga sa mga nangyayaring economic problems sa buong mundo.

Bongga talaga mga happening, kaya naman watch na lang tayo sa TV ng happenings para hindi tayo mahuli sa balita.

Tingnan natin mga fashionista sa oath taking ng bago nating President BBM.

vuukle comment

LUCY TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with