^

PSN Showbiz

Matteo, kailangan ng exposure!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Matteo, kailangan ng exposure!
Matteo
STAR/ File

Sayang naman si Matteo Guidicelli kung hindi magkakaroon ng pagkakataon na ipakita ang talent niya sa hosting o kahit sa acting. Dapat kasi makita na kung ano ang talento niya sa hosting para naman magkaroon ng iba-ibang choices sa mga nagaganap.

Very articulate at witty si Matteo kaya bagay na bagay sa mga hosting job. Sayang nga lang at baka totoo na sobra ang hinihingi niyang TF kaya hindi siya madalas makuha para maging host.

At this point kailangan magkaroon ng practical approach sa career ang bawat artista.

Bigayan muna, dahil bihira nga ang trabaho, adjust muna sa lahat. Pagbalik sa normal saka na ulit ang demands. Grab the chance, maliit o malaki man ang TF, give your best.

Store opening ng Beautederm, dinagsa sa Cavite

Kuwento ni Rhea Tan ng Beautederm,  na dinumog ng tao ang store opening niya sa SM City Bacoor. Talaga raw shocked siya sa rami ng tao na dumating kaya naman tuwang-tuwa siya dahil kilalang-kilala na ang Beautederm kahit saan.

Siguro lalo pa ‘pag ang kasama niya sa store visit ay si Marian Rivera dahil talaga naman kahit saan ito magpunta maraming tao ang gusto siyang makita. Enjoy na enjoy ngayon si Rhea dahil nga mas marami pa siyang bubuksang branches ng Beautederm.

Sa buong Pilipinas nga meron na siyang stores, at ngayon international na ang branches ng Beautederm dahil meron na siya sa Japan at Hong Kong, pati yata sa Canada. Pero ang gusto lang puntahan nina Gorgy at Salve ay pagbukas niya ng Korea branch, bongga talaga.

vuukle comment

MATTEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with