^

PSN Showbiz

John Lloyd, tinanggihan ang down payment sa isang pelikula

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, tinanggihan ang down payment sa isang pelikula
John Lloyd
STAR/ File

Namasyal muna at nag-relax ang buong cast at production staff ng Happy ToGetHer sa unang araw nila sa Boracay nung nakaraang Lunes, May 2.

Kinagabihan ay nag-script reading sila, at maagang nagpahinga para sa taping nila kinabukasan.

Doon sa Boracay nila kinunan ang Summer specials ng sitcom ni John Lloyd Cruz na kung saan special guests nila sina Julie Anne San Jose, Max Collins at ang Sparkle talent na si Coleen Paz.

Nakasama roon sa grupo si Kuya Joe Barrameda, kaya siya ang nagtsika sa akin ng mga kuwentuhan nila ni Lloydie.

Masaya raw sila siyempre sa magandang performance ng Happy ToGetHer, lalo na’t consistent itong mataas ang rating.

Ang inaabangan ay kung ano ang susunod niyang gagawin sa GMA 7.

Meron na raw siyang nagustuhang script na ipinadala sa kanya at gusto raw niyang gawin, pero baka matagal-tagalan pa raw dahil si Bea Alonzo ang makakasama niya rito.

Kailangang tapusin pa ni Bea ang Start-Up Ph nila ni Alden Richards.

May sisimulan naman daw ang aktor na pelikula bandang end of May kasama si Jasmine Curtis-Smith.

Nabanggit din daw ni Lloydie kay Kuya Joebarr na inalok nga raw siya ng project ng kuwento ng buhay ni Pastor Apollo Quiboloy, pero baka hindi na raw niya gagawin.

Nang alukin daw ito nang nasabing project ay kaagad na binibigyan daw ang aktor ng down payment, pero hindi ito tinanggap ni John Lloyd.

Gusto raw sana muna nitong basahin ang script, bago niya desisyunan kung tatanggapin o hindi.

Samantala, hindi pa masabi kung pi­pirma ba si John Lloyd ng network contract sa GMA 7.

Rayver, napayakap kay Julie Anne

Happy naman daw si Julie Anne dahil pinabalik siya sa naturang sitcom na isa sa pinakagustong episode ni Lloydie. “Wow! Such an honor po na ma-invite ulit dito sa show at thank you to John Lloyd na nagustuhan niya ang aming episode. Nakakatuwa ang cast. Rehearsals pa lang, nagtatawanan na lahat,” masayang tsika ni Julie Anne.

As usual, safe pa rin ang sagot ng Limitless star pagdating sa kanila ni Rayver Cruz.

Ang daming kinilig sa post ni Rayver na kung saan napayakap sa kanya ang Kapuso actor pagkatapos nilang kumanta. “Ray is a very sweet and warm person. He’s always fun to be with and napaka-enthusiastic, masayang kasama sa lahat ng bagay, and it shows his eagerness and passion sa hobbies and interests niya.

“Nakakatuwa po kasi we share the same liking, and maraming kinilig at ang dami pong views ng video,” pahayag ni Julie Anne.

Maganda naman kasi ang pagkakakanta nila nitong Location Unknown na kanta ni Honne.

Alfred, magpapakaaktibo sa showbiz pagkatapos ng eleksyon

Ang hirap nitong pinagdaanan ni Cong. Alfred Vargas kasama ang kapatid niyang si Councilor PM Vargas na tumatakbo na ngayong Congressman ng district 5 ng Quezon City.

Hindi lang death threats ang natatanggap nila kamakailan lang, kundi ang dami pa nilang harassment mula sa kalaban sa pulitika.

Pero sabi nga ni PM, hindi sila natitinag at tuloy ang pagtakbo niya sa district 5 ng QC.

“Hinding-hindi po ako aatras at hinding hindi ko iiwan ang aking mga ka-distrito! Lalong hindi ko hahayaang mapunta tayo sa kamay ng sindikato na ang tanging hangarin ay makagawa ng limpak limpak na pera habang nasa posisyon. Sila lang ang may kakayahang makagawa sa atin ng ganitong klaseng pananakot,” bahagi ng official statement na inilabas ni PM Vargas.

Samantala, sobrang na-miss na ni Alfred ang pag-aartista. Kaya pagkatapos ng eleksyon ay gusto na niyang maging active sa showbiz at handa na siyang tanggapin ang mga inaalok sa kanyang projects.

Sayang nga at meron na sana siyang gagawing isang drama series sa GMA 7, pero hindi niya kakayanin ang lock-in taping. Napunta na lang ito sa isang magaling ding aktor na nagbabalik sa Kapuso network.

vuukle comment

JLC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with