^

PSN Showbiz

Elisse, church beach wedding ang pangarap!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Elisse, church beach wedding ang pangarap!
Elise
STAR/ File

Masayang-masaya si Elisse Joson bilang isang ina para sa anak nila ni McCoy de Leon na si Felize.

Sampung buwang gulang na ngayon ang bata. Kahit mag-iisang taon na ang anak ay hindi naman daw nagmamada­ling magpakasal ang magkasintahan. “You know hindi natin dapat minamadali ang mga bagay-bagay and everybody has a different timeline. Ngayon nga it just so happens na nauna si Felize. So I think we have so much things to deal with first,” bungad ni Elisse.

Sa ngayon ay ang binyag at unang kaarawan ni Felize ang pinaghahandaan ng magkasintahan. Para kay Elisse ay nakikita at nararamdaman naman niyang si McCoy na ang kanyang makakasama sa habambuhay. “Baptism ni Felize inaayos pa lang ngayon because of the pandemic and the situation, birthday pa niya. We’re going to get there. Alam naman namin na we’re for each other already. So we just have to take our time and it’s going to happen,” pagtatapat ng aktres.

Aminado si ELisse na mayroon ding naiisip na kanyang dream wedding. Hindi raw nag­hahangad ang aktres ng isang engrandeng kasalan. “I feel like iniisip ng iba, I want something bongga, malaking wedding. Actually no, I just want a simple wedding. Ang dream ko lang talaga sa may dagat. Pero at the same time, I want to be blessed at the church,” pagtatapat niya.

Janella, parang nabuhay uli ang pakiramdam

Mula nang nabuntis at nagkaroon ng anak ay nakaririnig na si Janella Salvador ng mga salitang panghihinayang mula sa ibang tao. Nasayang diumano ang magandang takbo ng karera ng aktres dahil sa pagkakaroon ng anak.

Para naman kay Janella ay wala namang dapat ikabahala ang mga manonood dahil walang nagbago sa kanya. “Doon ako nati-trigger. Kasi hindi naman ako sayang eh. I’m still me. I’m still who I am. I’m still Janella Salvador. I can still sing. I can still act. I can still work. Bakit sayang, ‘di ba? Wala namang nabago sa akin so walang sayang,” paliwanag ni Janella.

Ayon sa aktres ay hindi dapat pinanghihinayangan kung ano man ang kanyang estado sa ngayon. Sinisikap umano ni Janella katuwang ang kanyang kasintahan na si Markus Paterson na maitaguyod ang kinabukasan ng anak na si Jude.

Mahigit isang taong gulang na ngayon ang anak ng magkasintahan. “’Pag naging nanay ka na, hindi ka sayang. I can still do everything that I want to do. Na-delay lang ng konti pero kaya ko pa ring gawin and gagawin ko pa rin. I’ve never felt more alive. Parang ngayon nagsisimula ‘yung buhay ko, ngayon na kasama ko na si Jude, katabi ko na si Jude. Some people still look down on it pero ang sa akin, as long as you are a good parent, as long as you are a good mom, you’re financially able to raise your child, emotionally ready ka, walang problema,” paglalahad ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JOSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with