Sanya, dinadagsa ng biyaya

When it rains it pours. Ito ang nangyayari ngayon kay Sanya Lopez. But in a good way.
Matapos ngang tumatak ang pagiging ‘first yaya’ niya, heto at may pinakabago siyang achievement sa kauna-unahang TikTok PH Awards na ginanap days ago.
Isa ang First Yaya lead star sa mga nag-uwi ng Top Celebrity Award. Sey niya sa acceptance speech, hindi niya inaasahan ang naging suporta ng fans sa kanyang pagti-TikTok, “Thank you! Maraming, maraming salamat po sa award na ito. Akalain n’yo ‘yon umpisa pa lang, for entertainment, for fun lang naman ‘yong ginagawa natin. Pero hindi ko po inakala na makaka-receive ako ng award from TikTok. Maraming, maraming salamat po. I’m very happy and surprised. Di ko akalain na aabot din ako ng 10 million. It started lang talaga na ine-enjoy ko lang yung paggawa nito. And I didn’t expect na aabot ng ganito.”
Parte rin ng mga ipinagpapasalamat ng aktres ang naging matagumpay na finale episode ng pinagbidahang primetime series kung saan nga minahal siya ng Kapuso viewers bilang si Yaya Melody.
- Latest



















