^

PSN Showbiz

Prod staff, rumaket sa ­paboritong direktor kahit takot pa

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumapalakpak ang mga tai­nga ng mga production staff nang matuntong silang muli sa isang favorite shooting location ng isang director.

Eh may track record kasi ang director na kapag sa paborito niyang location ang shooting niya, agad niyang tinatapos ang project, huh!

Ang takot nga lang ng ilang staff eh baka mahawa sila sa COVID-19 lalo na ngayong dumarami araw-araw ang cases!

Sinasamahan na lang nila ng matinding dasal kapag may trabaho sila kesa naman nganga sila at sa gutom mamatay!

EB sabay ang live at replay episode, takot pa ring makipagsapalaran sa COVID

Pinaghalong live at replay ang episode ng Eat Bulaga kahapon, ang unang araw ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at karatig-probinsiya.

Pero hindi sa studio ang live part ng Bulaga kundi work from home ang kinuhang hosts at via Zoom.

‘Yung segment na Bawal Judgmental ang replay. ‘Yung episode last July 30, 2020 ang ipinalabas kung saan guest ang former EB host na si Julia Clarete.

Bale anniversary episode pa ang ipinalabas kahapon.

Kahit MECQ ang umiiral ngayon, takot pa rin ng ibang produksiyon na makipagsapalaran sa COVID, huh!

 

vuukle comment

DIRECTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with