^

PSN Showbiz

Angelica, tinawag na laos nang ungkatin ang mass testing

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Angelica, tinawag na laos nang ungkatin ang mass testing
Angelica
STAR/ File

Angeline, nagka-virus dahil sa bisita

Hindi talaga advisable ngayon na tumanggap ng mga bisita kahit kamag-anak mo pa. Imagine, last Friday, 15K something ang new positive cases. Kahapon naman 12,576.

Eh sabi nga ni Angelica Panganiban, mga may sintomas pa lang nun ang na-swab, paano na ‘yung asymptomatic at walang awareness na nagkakalat na pala sila ng virus. “15k?! To think ang mga nagpapa-check lang ay mga may symptoms at may kaya mag pa swab test.. eh pano ang wala? Hay nakakaloka! Nakakaloka potah!,” tweet niya.

Na sinundan niya ng “Hinang hina ka na... maglalabas ka pa sa bulsa mo ng pera, para ma swab. At malalaman mo, pasitib ka sa covid mami! Pano na pa ospital? Gamot? Mental care?! Yung vaccine ba aasahan pa namin sa inyo? D naman diba? KKB! Nakakaiyak. Ito ang emotional. #freemasstesting.”

Kaya naman hindi ito pinalampas ng basher ng Kapamilya actress na naunang sinabi na ayaw na niyang gumawa ng teleserye. “Hey, laos. Shut up na! Di mo na mababangon ang career mo kahit mag iinGy ka pa jan. If you want tumulong k. Puro ka reklamo!”

Bumuwelta uli si Angelica : “Hello Sarah (basher). Style mo baguhin mo. Paulit ulit kayo. Baka next question dito Ano ambag ko?  baka d ka bayaran sa performance mo. Bakit d mo tweet gobyerno na tumulong para matuwa bansa sayo. Ikaw na lang yata naniniwala sa nagbabayad sayo.”

Pero ano na nga bang mangyayari?

Anyway, kasama nga sa new cases si Angeline Quinto na nahawa ng virus sa isang bisita na kumain sa kanila.

Sa kuwento nga ni Angeline, natakot na siya nang malaman niyang positive ang nakasabay sa pagkain. “Siyempre po, pag kakain po, walang mask. Nakapagkwentuhan kami, ganyan-ganyan,” pag-alala niya.

Hanggang na-feel niyang meron na siyang symptoms.

Nagpa-swab siya and the following day, confirmed na positive siya. “May mga nararamdaman din po kasi akong hindi tama. Baka napabayaaan ko rin ‘yung sarili ko. So, natataranta ako, natatakot ako. Para rin sa mga katrabaho ko, para sa lahat ng kasama ko rito sa bahay. Hanggang dumating na nga po ‘yung resulta nu’ng Red Cross. Nakakalungkot kasi nag-positive po ako sa COVID. Ito pa naman ‘yung lagi kong sinasabi sa mga katrabaho ko, mga kaibigan ko lagi kayo mag-iingat. Parang this time sarili ko yata ‘yung ‘di ko naingatan,” sabi pa ng singer / actress na napapanood ngayon sa nag-uumpisa pa lang na teleserye ng Kapamilya channel na Huwag Kang Mangamba.

Nagkaroon siya diarrhea, lagnat at kawalan ng pang-amoy. “Buti na lang wala si Mama Bob dito. Kung nandito pa ang Mama, baka lalo akong natataranta at mas hindi ko alam ang gagawin ko,” pag-aalala niya sa Mama Bob niya na namatay recently lang.

Aminado siyang naging maingat naman siya, pero baka rin talaga raw sa pagod. “I was very cautious. Pero siguro dahil na din po sa pagod, without knowing it naging pabaya ako protecting myself.”

At kung nagpapagaling pa si Angeline, free na sa COVID-19 si Angeli Pangilinan. At thankful si Gary V. na hindi siya nahawa ng misis.

Sa post ni Gary kasama ang kanyang misis “My wife Angeli is finally free of Covid 19. The Lord took care of us as I never got it even if I was exposed to her on the day the test result came to her. Three people got covid in our home all at the same time but all are now negative. I really really can’t thank you enough for all the prayers you sent our way. We love you and may Jesus become real in your lives the way He has become the truth in ours,”  buong post ni Mr. Pure Energy.

Si Marco Alcaraz naman ay naguluhan sa result ng kanyang swab test. Sa unang test daw kasi positive siya after ng lock-in taping.

Pero sa isa pang test, negative naman siya kaya nagpa-saliva test siya. At negative uli.

Any how, tinapos pa rin niya ang 14-day quarantine para umano maging safe ang mga misis at mga anak nila.

vuukle comment

ANGELICA

ANGELINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with