^

PSN Showbiz

Jed praning pa rin sa pandemya, gumagawa na rin ng doll

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jed praning pa rin sa pandemya, gumagawa na rin ng doll
Jed

Marami pa ring praning lumabas hanggang ngayon. At kabilang dito si Jed Madela. “Praning talaga akong lumabas. So wala talagang plan. So siguro dito lang at bahay, virtual dinner, with loved ones,” sabi ng singer nang tanungin sa virtual media conference kahapon kung anong plano niya sa Valentine’s day.

Besides nasanay na raw siya na tuwing Araw ng Mga Puso ay parang “isang normal na work day for me.”

Saka wala naman daw siyang karelasyon sa kasalukuyan. “Wala wala talagang karelasyon,” pahayag ng singer na abala sa kanilang back-to-back concert ni Juris Fernardez - YouTube Music Night - Hearts On Fire: Juris and Jed sa darating na Sabado (Feb. 13).

Eight to ten songs ang kakantahin nila sa nasabing concert na mapapanood ng libre sa YouTube.

Samanta, nagde-design pala na rin si Jed ng doll pero ang tawag ni Jed ay collectible statues.

At makikita nga sa kanyang Instagram ang kanyang mga ginawa. In fact, sumali na siya sa isang art toy competition.

vuukle comment

JED MADELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with