^

PSN Showbiz

Manilyn, nagluluksa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Manilyn, nagluluksa
Manilyn at Nelson

Sa hinaba-haba ng panahong kilala namin si Manilyn Reynes, sa iilang pagkakataon lang namin nakita ang kanyang amang si Daddy Nelson. Pero sa tuwing makikita namin siya ay lagi siyang nakangiti sa lahat ng tao.

Siguro nga hindi lamang iyon tanda ng kasiyahan dahil sa naging matagumpay na career ng kanyang anak, kundi bilang pagkilala na rin at pasasalamat sa mga taong tumulong sa tagumpay ni Manilyn.

Bagama’t alam naman natin kung ano rin ang nagawa ni Manilyn para sa kanilang pamilya, na natural lang naman dahil siya ang kumikita nang malaki, hindi namin narinig na inobliga siya para sa kahit na anong bagay ng kanyang mga magulang. Responsableng tatay naman kasi si Daddy Nelson at kumikita man nang malaki ang kanyang anak kaysa sa kanya, para sa kanya ay responsibilidad pa rin niya ang kanyang pamilya. Hindi siya umasa sa kanyang anak.

Iyan din siguro ang mga dahilan kung bakit mahal na mahal ni Manilyn ang daddy niya. Wala siyang naging problema at mabait ang daddy niya.

Kaya nga noong magkasakit iyon dahil nagkakaedad na rin naman, talagang nag-aalala nang husto si Manilyn. Ilang ulit na ring naospital ang daddy niya, pero matindi nga yata itong huli dahil nanawagan na siya sa kanyang fans at mga kaibigan na ipagdasal ang father niya.

At noon ngang Martes, Pebrero 2, si Manilyn mismo ang nagpasalamat sa lahat ng nag-ukol ng panalangin at malungkot na ibinalitang yumao na ang kanyang ama. Wala nang ibang detalye pang sinabi si Manilyn, maliban sa kanyang mensahe sa yumaong ama na magpahinga na nga iyon.

Hindi na siya nagbigay ng detalye dahil sa ngayon naman ay talagang wala nang ginagawang pagbuburol na kagaya noong dati, at ang mga nakikiramay ay pinapayuhan na lang na magdasal para sa yumao.

Apektado si Manilyn, pero wala naman daw siyang sinabi na magli-leave muna sa kanyang mga ginagawang show.

Siguro nga iyon din naman ang gustong mangyari ng kanyang yumaong ama, na maituloy niya ang kanyang trabaho at huwag masyadong maapektuhan ng kanyang pagyao.

Mark, tutok na tutok sa baby boy

Iba ang naging dating kay Mark Herras ng anak niyang lalaki. Talagang makikita mo ang kanyang concern kahit na nga buntis pa lamang noon ang kanyang girlfriend na si Nicole Donesa. Talagang nakatutok siya sa lahat ng mga kailangang gawin hanggang noon ngang January 31, nang isilang na ni Nicole ang junior ni Mark, si Mark Fernando Donesa Herras, o Corky.

Nakabantay si Mark sa ospital habang nagle-labor si Nicole na tumagal ng labindalawang oras. Lumampas na sa araw ng kanyang panganganak kaya napilitan na rin ang kanyang mga doctor na isailalim si Nicole sa caesarian operation.

Ang laki naman kasi ni Corky, 7.3 lbs siya at 53 cm ang haba. Nagpa-swab test pa nga raw si Mark para masamahan si Nicole sa delivery room, pero hindi rin siya pinayagan ng ospital dahil mahigpit talaga ang ipinatutupad na regulasyon dahil sa COVID.

Pelikulang pinagkaguluhan, nadismaya ang mga nanood

May nagkukuwentong siguro nga raw ay nakakain na siya ng isang buong fried chicken sa isang malaking restaurant chain, o nakakain ng masarap na paella sa isang Spanish restaurant, kaysa nga sa malaking halagang ibinayad niya sa panonood ng isang “walang kakuwenta-kuwentang pelikula sa internet.” Aminado naman siya, natangay siya ng malakas na hype sa pelikula tapos “iyon pala, ganoon lang.”

Eh kasi nga hindi naman lahat ng nababasa ninyo ay mga honest review ng isang pelikula. Marami sa mga maaari ninyong mabasa lalo na sa social media ay puro mga pra la la lamang.

Kaya nga ang mga talagang sanay sa pelikula ay marunong kumilatis kung sino ang paniniwalaan nila at kung ano ang nababasa nilang alam nilang “binayaran lang kasi.”

vuukle comment

MANILYN REYNES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with