^

PSN Showbiz

Nicole, nahirapang manganak sa panganay nila ni Mark

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nicole, nahirapang manganak sa panganay nila ni Mark
Baby Corky at Nicole

Maluwalhating nailuwal ni Nicole Donesa ang baby nila ni Mark Herras noong nakaraang Linggo ng hapon.

Post ni Mark sa kanyang Instagram at Facebook account; “Name: Mark Fernando Donesa, Born: January 31, 2021, Weight: 7.3lbs, Length: 53cm.

“Hi I’m Corky (three baby emoji)  wasssap! Very good job mammeeeh!!!

Sandaling nakausap ko si Mark sa telepono kahapon ng hapon at kinuwento niyang na-emergency caesarian pala si Nicole na dapat ay noong January 29 pa raw ang due niya, kaya na-delay pa ng dalawang araw.

Paliwanag sa amin ng Kapuso actor; “Kasi in-induce siya nu’ng una para lumaki yung cm niya, ‘yung sa pelvic bone ba ‘yun?

“Nu’ng unang induce sa kanya, bumaba ang heartbeat ni Corky, so nag-panic sila. Pero mamaya, nag-normalize naman.

“Tapos nu’ng pangalawang induce, wala talaga hindi umaakyat…1cm lang siya eh. Kaya na-caesarian na siya.”

Bandang alas-kuwatro na raw iniluwal ni Nicole ang kanilang baby at talagang nahirapan daw ito.

Mga 12 hours din daw itong nag-labor bago iniluwal ang baby.

Umiiyak na nga raw si Nicole na tumatawag sa kanya dahil hindi raw sila allowed na pumasok sa delivery room.

Noong una raw kasi ay pinayagan na raw sila ng OB Gyne ni Nicole na samahan siya ni Mark at ng mommy ni Nicole sa delivery room. Kailangan lang nilang magpa-swab test.

Dalawang beses pa raw sila na-swab dahil nag-expire na ‘yung una.

“Kaya lang tumaas na naman daw ang COVID cases at dumami raw uli ang mga COVID patients sa hospital kaya hindi na raw sila in-allow na samahan si Nicole sa operating room.

“Mag-isa lang si Ico sa labor room. Nandun naman mga nur­ses pero iba rin sana kung sinamahan namin siya ng mommy niya. Pero wala kaming magawa, hindi kami pinapasok.

“Nahirapan kasi talaga siya sa labor.

“Tumawag nga siya sa akin, humiram siya ng phone sa OB niya, umiiyak siya kasi mag-isa lang siya, wala siyang kasama,” patuloy na kuwento ni Mark.

Baka ngayong araw daw ay puwede na raw lumabas si Nicole ng hospital para mas mabantayan daw nila ito sa bahay.

Balak daw nilang pabinyagan agad si Baby Corky, at ilan pala sa mga napili nilang mag-ninong at ninang ay sina Jennylyn Mercado, Jason Abalos, Enzo Pineda, Reese Tuazon at ilang non-showbiz friends at kamag-anak ni Nicole.

Sabi ni Mark, ngayong taon daw ay naka-focus daw muna sila sa kanilang baby Corky, at balak nila na sa 2022 na pakasal.

Aktor na nakabuntis sa young actress, pinag-iisipan pa kung pakakasal

Wala pang sinasabi ang kampo ng young actress tungkol sa kanyang pagbubuntis, courtesy of her actor-boyfriend. Ang sabi naman nila, magsasalita raw sila at hindi naman nila ito itatago.

Tinanong naman namin ang kampo ng aktor na nakabuntis kay aktres at hinihintay lang daw nila kung ano ang plano ng aktres at ng pamilya nito. Wala namang problema sa aktor dahil paninindigan niya ito at hindi naman daw niya ito tatalikuran.

Sabi ng kampo ni aktor, kaya naman daw nitong buhayin ang magiging mag-ina niya dahil sa ilang negosyong nasimulan nito.

Nakapag-ipon naman daw si aktor, pero wala pa silang sinasabi kung magkakaroon na ba ang kasalan.

Lani magiging regular na sa All-Out...

Congratulations sa mga taga-All-Out Sundays na ipinagdiriwang ang kanilang first anniversary  noong nakaraang Linggo.

Isa sa ang bongga at pinalakpakan naming production number ay ‘yung All-Star Assembly nila na kung saan nakasama nina Mark Bautista, Bugoy Drilon, Thea Astley, Jeremiah Tiangco, Garret Bolden sina Aicelle Santos-Zambrano at Lani Misalucha.

Ang ganda ng number na ‘yun na kahit medyo nahihirapan pa rin si Lani, dahil hirap siyang makarinig, hindi pa rin siya nagpatalo sa biritan kina Aicelle.

Inamin naman ni Lani pagkatapos ng number nila na nabibingi pa rin siya. Sa spiel nga niya na medyo nagkamali nang konti, natatawa pa niyang sinabi, “ang hirap naman nito, bingi na nga bulol pa!”

Magiging regular na si Lani sa All-Out Sundays.

First live appearance din ‘yun ni Aicelle pagkatapos niyang manganak. Excited siyang binati ang baby nila ni Mark na nag-post din sa Facebook si Mark na bitbit ang baby nila at pinapanood si Aicelle sa TV.

Ang cute nilang tingnan!

Pang-masa talaga ang comedy segment ng AOS dahil talagang nagri-react ang kasambahay namin nang ibinitin ito sa ending.

Itutuloy pa ang kuwento sa susunod na Linggo.

 

NICOLE DONESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with