^

PSN Showbiz

Feng Shui experts, inaabangan kung magbibigay ng predictions

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Naku, Ateng Salve, bukas na ang New Year’s eve, sinu-sino kayang manghuhula o Feng Shui experts ang magsasabi na magiging bongga ang 2021?

Remember, may mga manghuhula at Feng Shui experts na nagsabing maganda ang 2020, pero napakaraming trahedyang inabot natin, huh!

May maglakas-loob pa kaya sa kanila na magbigay ng predictions nila sa pagpasok ng 2021? Well… well… well…

Anyway, ako, iwi-wish ko na lang na maging maganda ang 2021 nating lahat at sana nga ay tuluyang mawala na ang COVID-19 pandemic, huh!

I’m sure, Ateng Salve, isa rin ‘yan sa wishes mo ngayong darating na New Year!

Body shaming, ‘di lang mga artista ang biktima

Ka-sad lang talaga ‘yung body shaming, ‘di ba? Actually, hindi lang naman mga celebrity ang biktima ng body shaming dahil marami talaga ang mahilig mamintas sa hitsura ng kanilang kapwa.

Naku, natatandaan ko pa nga nang tawagin akong “baboy” ng isang TV/radio host na talaga namang pa-controversial, ‘noh?! Hindi na lang ako nagpa-affect dahil ayokong magkaroon ng depression dahil sa pagtawag sa akin ng ganoon ng taong ‘yon, huh!

Anyway, marami talagang mga celebrity na biktima ng body shaming dahil ang mga basher nila na hindi alam ang pinagdadaanan nila. Hindi nga ba ang isang kilalang aktres, napipintasan dahil sa pagtaba niya, pero ang totoo raw, hindi maiwasan ni aktres ang lumaki ang pangangatawan dahil epekto ‘yon ng gamot na iniinom niya dahil sa isang karamdaman.

So, sana naman, bago tayo mamintas o mag-body shame, isipin muna natin na baka may mga pinagdaraanan ang mga taong ‘yon kaya hindi nila maiwasang tumaba. Stop body shaming, agree, Ateng Salve?!

Jodi, isa sa pinakamayamang aktres

Bilib ang mga negosyanteng sina Niño Bautista at Red Gatus sa HealthyFix business partner nilang si Jodi Sta. Maria.

Tutok daw kasi ang aktres sa negosyong sinimulan nila. Kapag hindi naka-lock-in taping for Ang Sa Iyo Ay Akin si Jodi, talagang pumapasok daw ito sa office nila sa Cavite. May mga nag-aakala nga na “dummy” o industrial partner lang si Jodi sa negosyong ‘yon, pero ang totoo, 100 percent ang commitment niya roon.

Tutok nga sa nasabing negosyo ang aktres, kaya bilib sa kanya sina Niño at Red. Sa recent shoot nga raw nila para sa cooking demo na ginawa nila at pinost sa kanilang Facebook page, sobrang si Jodi raw ang nagtrabaho. “’Yung set, siya talaga ang tumulong sa pag-aayos. ‘Yung ingredients, inasikaso niya. Hindi siya ‘yung tipong sasalang na lang para sa shoot. Sobra siyang dedicated sa lahat ng bagay at detalye tungkol sa negos­yo namin,” sabi ni Niño.

Tama nga raw ang desisyon nila na kunin si Jodi na ka-business partner.

Well, alam mo ba, Ateng Salve, na may nagtsika sa akin na isa si Jodi sa pinakamayamang artista ngayon?! Ang dami raw investments ng aktres, huh!

Ang bongga lang! ‘Yun na!

vuukle comment

FENG SHUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with