Anghel na aktres walang makakibo ‘pag sinusumpong at negang-nega ang tingin sa paligid
Kapag pala umaandar ang matinding sumpong ng isang pamosong female personality ay walang makakokontra sakanya. Walang magagawa ang kahit sino kundi ang maghintay na lang kung okey na siya.
?Kahit ang mga dati niyang nakarelasyon ay sanay na sa kanyang ugali, kabisado na nila ang karakter ng female personality, taas ang kanilang mga kamay kapag nagta-tantrums na ang babae.
?Kuwento ng aming source, “Extremes ang attitude niya. Puwedeng masayang-masaya siya, tawa lang siya nang tawa, napakaganda ng mood niya.
?“Pero may sumpong naman siyang kakaiba. Madilim ang mundo niya, palagi lang siyang nakasimangot, negang-nega ang tingin niya sa lahat at sa paligid niya.
?“Kapag ganu’n na ang sumpong niya, e, deadma langang pinakamagandang magagawa ng kahit sino. Deadma lang! As in, huwag mo lang siyang papansinin, pabayaan mo lang siyang nakasimangot!
?“Siya lang din naman kasi ang gumagamot sa sumpong niya, e! Napapagod din siyang sumimangot! Nami-miss din niya ang pagtawa!” humahalakhak na unang kuwento ng aming source.
?Pero maraming pumupuri sa female personality, oo nga’t sumpungin siya ay maganda ang kanyang puso, mabait siya sa maliliit na manggagawa.
?“’Yun naman ang magandang ugali niya, may sumpong siya o wala, marespeto siya sa mga utility, sa mga talent (extra), malapit ang loob niya sa mga manggagawa.
?“Kahit antok na antok na siya kapag nagpa-pack-up, kahit sobrang pagod na siya sa taping or shooting, hindi niya nakakalimutang pasalamatan ang mga katrabaho niya.
?“Hindi siya katulad ng ibang astista na parang sumakay lang ng bus, tapos, bababa na lang nang walang pasintabi! Iba ang girl na ito, mapagpahalaga siya sa mga co-stars at staff and crew kahit paminsan-minsan, e, may sumpong siya!” papuri ng aming source.
?Pero kahit inaapuntahan ng sumpong ang female personality ay para siyang de-susi. Nakasimangot siya ngayon pero kapag kailangan na niyang humarap sa mga camera ay para lang siyang nagdahilan.
?“At comedy ang mga eksenang kinukunan, ha? May sumpong siya, sobrang bad mood siya, pero kapag take na, walang problema! Nagko-comedy talaga siya na para bang walang nangyayari sa kanya!
?“Mas gusto na ‘yun ng mga katrabaho niya, kesa naman sa mga artistang wala ngang sumpong, pero kesusuplada naman! Anghel siya para sa mga katrabaho niya,” pagbibigay pa ng clue ng aming source sa kanyang pagtatapos.
?Ubos!
Angeline, hindi inililihim na nagpa-inject ng pampapatambok ng puwet
Sa isang concert ni Angeline Quinto sa Saskatoon, Saskatchewan (Canada) ay maraming nakapansin na may kung ano siyang inaayus-ayos sa kanyang puwet.
?Napakaigsi ng kanyang palda, may kung anong nang-aabala sa kanya, kaya panay-panay ang kapa niya sa kanyang puwet na meron siyang itinataas-taas.
?Gumagamit pala si Angeline ng tinatawag na cadera. Pampatambok ‘yun ng magkabilang pisngi ng puwet, pads ‘yun, kaya tumataas-bumababa.
?Nang bumalik uli siya sa napakalamig na lugar ay siya pa mismo ang umamin sa audience, “O, di ba, nu’ng last time na nandito ako, e, napansin n’yong may inaayos ako sa bandang likod ko? Wala na ngayon!
?“Hindi ko na kailangan ng cadera, matambok na ang puwet ko, nagpa-inject na ako para walang abala!” pinalakpakan ng mga kababayan natin ang pakomedyang pag-amin ng magaling na singer na nagparetoke siya ng puwet niya.
?Umaamin si Angeline, wala siyang itinatago, hindi na siya kailangan pang usisain tungkol sa kanyang pagpaparetoke. Hindi siya tulad ng ibang artista na kitang-kita na nga ang pagbabago ng itsura pero nagdedenay pa.
?Isang basher ang sinagot ng dalaga, napasobra raw yata kasi ang pagpaparetoke niya, napakasimple lang ng sagot ni Aneline.
?“Kung ipagawa ko man ang buong katawan at pagkatao ko, hindi naman makakaapekto sa pamumuhay mo. Much better kung buhay mo na lang ang unahin at pagkaabalahan mo. Love you, Babe.”
?At ilang buwan pa lang ang nakalilipas ay isa-isa pa niyang ipinost sa kanyang account ang mga prosesong pinagdaanan niya sa clinic ni Dra. Vicki Belo. Tinawag niya ang kanyang sarili bilang proud retokada.
?Nagpatanggal siya ng taba (liposuction), nagpabawas ng kanyang dibdib, nagpa-thermage siya, nagpaayos ng eyelid, nagpa-lipo rin siya ng mga braso.
?At napakaganda ng resulta ng pagpaparetoke ni Angeline Quinto. Gustung-gusto ng mga kaibigan namin ang kakaiba niyang itsura ngayon.
?Bukod sa kanilang talento ay puhunan din ng mga artista at singers ang kagandahan. Kailangan nila ng pisikal na katangian sa kanilang trabaho.
?Ano nga ang sabi? Kapag ipinanganak kang hindi kagandahan ay hindi mo ‘yun kasalanan. Pero kapag namatay kang hindi pa rin maganda samantalang meron ka namang magagawang paraan ay kasalanan mo na ‘yun!
- Latest